Connect with us

Entertainment

Miss Myanmar, Hindi Ligtas na Umuwi sa Kanilang Bansa Matapos itong Mapatawan ng Warrant of Arrest Dahil sa Pagtakas nito sa Kanilang Bansa para lang Makadalo sa 69th Miss Universe

Hindi madali ang pinagdaanan ng Miss Universe Myanmar na si Thuzar Wint Lwi bago makarating sa Florida, USA upang dumalo sa 69th Miss Universe. Maihahalintulad sa isang thriller movie ang naranasan ni Miss Universe Myanmar, matapos tumakas sa kanyang bansa.

Ang bansang Myanmar ay nasa ilalim ng pamumuno ngayon ng mga militar magmula pa noong Pebrero 2020, kung kaya’t napuno ng kabila’t kanang kilos protesta ang nagaganap sa kanilang bansa. At marami na ang nagbuwis ng buhay para lamang mabawi ang demokrasyang inagaw sa kanila.

At dahil nga wala nang kalayaan ang bawat mamamayan sa kanilang bansa, ay hindi opisyal ang pag-alis ni Miss Universe Myanmar sa kanilang bansa. Para takasan ang kanyang bansa at hindi mapansin ng border security, ay nagsuot na hoodie at dark sunglasses ang kandidata.

Photo credits: thuzar_wintlwin | Instagram

Pahirapan rin ang pagdala niya ng mga kagamitang kakailanganin niya sa pageant. Sa katunayan nga nito, ang kanyang isusuot sa National Costume sa kompetisyon ay idinaan niya sa pamamagitan ng international courier papuntang Florida, USA para hindi mapansin ng customs official ang kanyang pagtakas.

Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi nakarating ng Florida ang kanyang ipinadalang national costume. Mabuti na lamang nga at nagmagandang loob sa kanya ang mga miyembro ng Chin Community sa Florida na igawa siya ng damit, at ito ang winning national costume na tinawag na “Fearless Empress.”

Marami ang nagpakita ng simpatya kay Miss Universe Myanmar. Bagama’t marami ang nagagandahang national costumes na suot ng mga kandidata, ay narinig ng buong ang kanyang mensahe na ipagdasal ang bansang Myanmar mula sa pamumuno ng mga militar, ay siya ang nagwagi ng Best in National Costume, at nakapasok din siya sa Top 21 ng Miss Universe 2020.

Bago pa man sumabak sa kompetisyon ni Miss Universe Myanmar ay aktibo siya sa pagkondenan at kilos protesta na nagaganap sa kanilang bansa.

Photo credits: thuzar_wintlwin | Instagram

Sinuportahan rin siya ng Chin Community dahil mahigpit din ang pagkondena nila sa mga karahasang nagaganap sa Myanmar. Matapos malaman ng military junta ang pagtakas niya, ay napakalabo na ng posibilidad na muli siyang makabalik sa kanilang bansa dahil naglabas ng arrest warrant laban sa kanya. Sa ngayon nga, ay hindi na alam ni Miss Universe Myanmar kung saan siya pupunta pagkatapos ng kompetisyon.

Sa kabila nito, ay nananatili namang positibo ang kanyang pananaw sa buhay, na kanyang idinaan sa isang mensahe para sa kanyang mga kababayan sa Myanmar.

“Myanmar, We did it and it wouldn’t be possible if it’s not for your love and support.“I’m blessed and thrilled that we made it together all the way today.”

“I wish I could have made you prouder. But I did my best and hope you all love what we got.And thank you so so Much to those who voted for Best National Costume. It’s more than a costume. It’s a message, spirit and solidarity. Be safe and God bless you all!”

error: Content is protected !!