Connect with us

Entertainment

Miss International 2016 Kylie Verzosa, Inamin na Hindi Niya Type Noong Una ang Kanyang Boyfriend Ngayon na si Jake Cuenca

Ang Kapamilya Hunk na si Jake Cuenca, ay nabighani sa angking kagandahan ng Miss International 2016 na si Kylie Verzosa. At ang puso nga ng aktor ay nabihag nito, na kung saan ay talaga namang napakasaya at napakakulay ng relasyon ngayon bilang magkasintahan.




Sa episode ng OKS’ (Online Kapamilya Shows) “I Feel U” kung saan tampok ang pag-iibigan ng mga Kapamilya stars na naghahatid ng saya at kilig sa kanilang mga tagahanga, ibinahagi ng celebrity couple na sina Kylie at Jake ang kanilang nakakakilig na love story.

Photo credits: Kylie Verzosa | Instagram

Nagsimula sa pagkakaibigan ang kwento ng pag-iibigang Kylie at Jake. Unang nasilayan ni Jake ang angking kagandahan ni Kylie sa set ng “Ang Panday” noong 2017, kung saan gumanap ang aktor bilang kontrabida samantalang si Kylie naman ay bilang isang napakagandang fairy.

Photo credits: Kylie Verzosa | Instagram

Una umanong nagparamdam ng pagtingin si Jake na idinaan nito sa social media. Ngunit, ang diskarteng ito ay hindi nagustuhan ni Kylie dahil ito umano ang galawan ng mga playboy.

“If someone messages you on IG, you’ll think you’re not the only girl. I think if he can do that to me, then he’s probably doing it to different girl,”saad ni Kylie.

Nang mga panahon ring iyon, ay nasa isang relasyon si Kylie. At noon raw ay hindi nito type si Jake, lalo na’t naninigarilyo ito. Kaya naman, nabigo ang aktor na makuha ang puso ni Kylie noong una kaya minabuti ng aktor na mag-move on na lamang.

Photo credits: Kylie Verzosa | Instagram

Ngunit, tila gumagawa naman ng paraan ang tadhana na pagtagpuing muli ang dalawa. Sa pangalawang pagkakataon nga ay muling nagkasama sina Kylie at Jake sa proyektong Precious Hearts Romances Presents Los Bastardos. Dito na nga nila mas lalong nakilala ang isa’t isa. At tuluyan na ngang nahulog ang dalawa sa isa’t isa. Nakipaghiwalay si Kylie sa kanyang nobyo, at tuluyan ng minahal si Jake ng buong puso.




At ngayong panahon ng pandemya, kung saan ay halos 24 oras silang magkasama sa loob ng kanilang tahanan, ay mas lalo nilang mapagtibay ang kanilang relasyon. Laking pasasalamat naman ng magkasintahan na ang kanilang relasyon ay nagsimula sa pagkakaibigan dahilan upang maging matibay ang kanilang relasyon.

Photo credits: Kylie Verzosa | Instagram

“Mas maganda kasi nakikita n’yo ang isa’t isa in a different light. It’s nice that we knew each other as friends first kasi ‘yun talaga walang best foot forward,”pahayag ni Jake.

Samantala, nang tanungin naman kung nakikita na ba nila ang kanilang mga sarili na lumagay sa tahimik, at mauwi sa kasalan ang relasyon, ay sinabi ni Jake na napapag-usapan na rin nila. Ngunit, sa ngayon, ay nais umano nilang ienjoy ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at tuparin ang kanilang mga pangarap, lalo na si Kylie na nais pang mag-explore bilang isang aktres.

“Definitely nakikita ko siya on the horizon unlike before na feeling ko ang layo-layo pa. For the first time in my life nakikita ko na siya. Pero no rush, no pressure,” saad ni Jake.

error: Content is protected !!