Connect with us

Entertainment

Miriam Quiambao, Proud na Ipinasilip ang Kanyang Baby Pump sa Edad na 46 sa Isang Maternity Photoshoot

Si Miriam Quiambao na itinanghal na Binibining Pilipinas Universe 1999 at Miss Universe 1999 First Runner ay ikinasal noong 2004 sa kanyang dating asawang Italian businessman na si Claudio Rondinelli at nanirahan sa Hong Kong. Ngunit ang kanilang pagsasama ay nauwi sa divorce noong 2006.

Muli namang tumibok ang puso ni Miriam sa katauhan na ngayon ng kanyang asawa na kasama na niya sa buhay sa loob ng pitong taon. Taong 2013 nang ma-engaged siya sa kanyang widower boyfriend na si Eduardo “Ardy” Roberto Jr., isang Christian author at motivational speaker. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nauwi naman sa pag-iisang dibdib noong March 25, 2014.

Matapos naman ang ilang taong pagpaplanong magbuntis, sa wakas ay biniyayaan na ang mag-asawa noong 2018. Sa edad na 43 nga ay nabuntis na si Miriam sa panganay nilang anak na isinilang niya noong February 16, 2019. Ang napakacute at malusog na baby boy ng mag-asawa ay pinangalanan nilang Elijah.

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay muli na namang biniyayaan ng isang sanggol ang pagsasama ng mag-asawa. At noong December 2020, ay masayang inanunsiyo ni Miriam at ng kanyang asawa na sila’y muli na namang magiging magulang sa kanilang pangalawang anak.

Pagsapit nga noong nakaraang buwan ng March, ay masayang ibinalita ng mag-asawa sa publiko na ang ipinagbubuntis ni Miriam sa edad niya ngayong 46, ay isa na namang baby boy. Pag-amin naman ni Miriam sa vlog ng gender reveal ng kanilang second baby, ay hindi niya inaasahan na isa namang baby boy ito dahil ang nais niya sana ay isang baby girl. Ngunit, naniniwala naman si Miriam na ito’y biyaya ng Diyos at alam rin niya na may plano Siya sa kanilang pamilya. Ipinagpasalamat naman ni Miriam dahil muli silang pinagkalooban ng isang malusog na miracle baby.

Bilang paghahanda naman sa nalalapit na pagsilang ng former beauty queen na ngayon ay nasa 36 weeks na ng kanyang pagbubuntis, ay isang maternity photoshoot ang kanyang isinagawa. Nito lamang ika-10 ng July nang ibahagi ni Miriam sa kanyang vlog ang mga larawan sa kanyang maternity photoshoot kasama ang kanyang asawang inspirational speaker na si Ardy Roberto. Ang kuha naman ng magagandang larawan kung saan masisilayan ang malaki na niyang baby bump, ay isinakatuparan naman ng Nice Print Photography.

Ibinahagi naman ni Miriam ang kanyang pagbubuntis sa edad na 46 na maituturing ngang milagro lalo na’t ilang ulit silang sumubok para makabuo at sa pangalawang pagkakataon nga ay muli nila itong nagawa.

“Being pregnant at 46 years old is an amazing experience for me. It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infertility for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband said, it’s like lightning striking twice.”

error: Content is protected !!