Connect with us

Entertainment

Miracle Baby Ng Mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma Na Si Baby Fiore Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 1st Birthday

Hindi inaasahan ng mag-asawang Assunta De Rossi at Jules Ledesma na matapos ang halos 18 taong paghihintay na magkaroon ng anak, ay isang himala pala ang darating sa kanilang buhay. Dahil nga, sa kanilang matinding paniniwala at dasal, ay ipinagkaloob sa kanila ang kanilang pinakainaasam sa supling na siyang magbibigay saya at kulay sa kanilang pamilya.

Maituturing nga na isang himala at napakalaking biyaya sa buhay ng mag-asawang Assunta at Jules ang pagdating ng kanilang panganay na anak na pinangalanang Guilia Florentina Alessandra o mas kilala nga sa cute niyang pangalan na Foire.

Matatandaan na isinilang ni Assunta ang napakacute na si Baby Fiore sa edad na 37, at inamin nga ni Assunta na bago niya maisakatuparan ang matagal na niyang ipinagdarasal na magkaroon ng sariling anak, ay hindi madali ang kanyang pinagdaanan. Dahil nga, may edad na rin ang talagang nahirapan si Assunta sa pagbubuntis at maging sa panganganak. Ngunit, sa kabila nito ay hindi naman matatawaran ang kaligayahang hatid ni Baby Fiore sa binuo nitong pamilya na nagsisilbi nga nilang bundle of joy.

Napakabilis namang lumipas ng panahon, dahil matapos ang 11th monthly celebration na inihanda ni Assunta para sa kanyang anak, nito lamang ika-23 ng Oktubre ay masayang ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang 1st birthday ni Baby Fiore.

Sa Instagram ay proud na ibinahagi ni Assunta ang napakacute na larawan ni Baby Fiore kalakip ang kanyang sweet na mensahe. Sa caption ng kanyang post, ay hindi maitago ni Assunta, ang kanyang abot langit na pasasalamat sa pagdating ng kanilang miracle baby sa kanilang buhay.

“Every day, we thank the Lord for you. Happy birthday, little miracle.”

Makikita naman sa ibinahaging larawan ni Assunta na napakacute ni Baby Fiore sa kanyang suot na floras dress habang nakaupo sa sofa kung saan makikita naman ang maliit na sign board na may nakalagay na “I am 1 year old”.

Nagpaabot rin ng kanyang pagbati si Jules para sa kaarawan ni Baby Fiore, kung saan nga ay isang sweet na mensahe rin ang mababasa sa kanyang Instagram post.

“To my youngest Princess Buon Compleanno dozens more Palangga.”

Ang kapatid naman ni Assunta na si Alessandra de Rossi, ay nagbigay naman ng komento sa ibinahaging larawan kung saan nga ay giliw na giliw sa kakyutan ni Baby Fiore. Marami rin sa mga sikat na celebrities sa showbiz ang nag-iwan ng komento ng pagbati sa kaarawan ni Baby Fiore katulad na lamang nga nina Vina Morales at Ryza Cenon.

Samantala, matatandaan naman na noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Assunta na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis kay Baby Fiore.

“I’m stuck in bed all day, feeling horrible. Nausea and dizziness are my enemies these days. I can’t even gain weight kasi hirap akong kumain. Pinipilit ko naman, saka I take vitamins. I do miss being active, but my body feels overworked.”

“Minsan late na ako nakakaligo kasi tulog nga ako maghapon. I remember during the early stages of my pregnancy, constipation almost killed me. So I changed my diet. Sa mga nakakaranas nito, damihan lang ang fiber, cut back on white carbs, and drink prune juice.”

“Pregnancy is not at all glamorous, but it’s the most beautiful miracle.”

error: Content is protected !!