Connect with us

Entertainment

Miracle Baby ng Mag-asawang Assunta De Rossi at Jules Ledesma na si Baby Fiore 2 Months Old Na

Matapos nga ang mahabang panahong paghihintay na mabiyayaan ng isang sanggol ang pagsasama ng mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma, sa wakas ay ipinagkaloob na sa kanila bago pa man sumapit ang kapaskuhan.




At noong Oktubre 24, ay masayang sinalubong ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang miracle baby na si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma o Baby Fiore.

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Parang kailan lang nga, at mabilis na lumipas ang mga oras, kung noon ay matinding paghahangad ng mag-asawa na magkaroon ng anak, ngayon nga ay masaya na nilang nasasaksihan ang milestone ni Baby Foire. At sa mismong araw ng pagsalubong ng Pasko, noong ika-24 ng Disyembre ay masayang ipinagdiwang ang ika-2 buwang kaarawan ni Baby Fiore.

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Ang milestone na ito ni Baby Fiore ay masayang ibinahagi ni Assunta at ng kanyang kapatid na si Alessandra de Rossi sa kanilang Instagram Account. Marami naman sa mga celebrities sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati at paghanga sa napakacute na si Baby Fiore. Kabilang na nga rito ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga at Bubble Gang comedienne na si Lovely Abella.

Hindi naging madali ang lahat para kay Assunta lalo na’t hirap sa pagbubuntis sa natural na paraan dahil sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis. Kaya naman laking gulat niya nang hindi siya datnan ng buwanang dalaw, at nang magtungo nga sa OB para magpacheck up ay nalaan na 5 linggo na pala ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Walang pagsidlan ng labis na kaligayahan si Assunta sa milagrong ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa.




“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!”

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

Bagama’t, nahirapan rin sa pagbubuntis dahil sa pandemya at iba pang karamdaman na dala ng pagbubuntis tulad ng hirap sa paghinga at claustrophobic, ay mapalad namang walang anumang sakit ang kanyang anak habang ito’y nasa kanyang sinapupunan. Laking pasasalamat nga ni Assunta, ay hindi siya binigyan ng problema ng kanyang anak.

Photo credits: Assunta De Rossi | Instagram

“Mabuti at napakabait ni bagets, hindi ako binibigyan ng problema. Ang swerte-swerte ko!!! Everything’s good, kaya smile pa rin! Konti na lang.”

error: Content is protected !!