Connect with us

Entertainment

Migo Adecer, Pinakasalan Na Ang Kanyang Non-showbiz Girlfriend Na Si Katrina Mercado

Tila nga agad na natagpuan ng StarStruck’ Season 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer ang kaligayahan ng kanyang puso sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend. At nito lamang ika-31 ng Disyembre 2021 nga ay pinakasalan na ng 22 taong gulang na aktor ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrina Mercado.

Photo credits to the owner

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Migo ang isang maikling video na nilakipan niya ng caption.na “Mr. & Mrs. Adecer” kung saan makikita ang masayang selebrasyon ng kanilang kasal sa isang yate kasama ang kanilang mga kaibigan. At makikita nga na bagama’t napakasimple ng kanilang naganap na pag-iisang dibdib ay kitang-kita naman sa magkakasunod na post ni Migo na pareho silang masaya ni Katrina sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Photo credits to the owner

Base naman sa lokasyong nakatag sa mga mga larawan, ay naganap sa Hongkong ang kasal nina Migo at Katrina. Sa sunod-sunod ngang post ng newly weds sa kani-kanilang social media accounts ay makikitang enjoy na enjoy ang dalawa sa mga larawan magmula sa venue ng kasal hanggang sa kanilang pamamasyal sa ilang bahagi ng kalye sa Hongkong.

Photo credits to the owner

Makikita naman sa larawang ibinahagi ni Katrina na kuha sa reception ng kanilang kasal sa yate na talagang napakasaya nilang dalawa sa piling ng isa’t isa. Sa larawan ay makikitang suot nila ang kanilang simpleng wedding outfits habang masayang nakangiti sa harap ng camera, at sa kanilang likuran naman ay masisilayan ang gandang hatid ng sunset at malawak na karagatan.

Photo credits to the owner

Samantala, matatandaan na noong unang linggo ng Disyembre 2021 nang ianunsiyo ni Migo sa kanyang mga tagahanga na siya’y engaged na sa kanyang non-showbiz girlfriend. Sila Migo at Katrina ay magkarelasyon na sa loob ng ilang taon kung saan nga ay talagang nag-eenjoy sa kanilang adventure at travel sa magagandang lugar katulad na lamang nang sila’y masayang magbakasyon sa Iceland.

Photo credits to the owner

Nilinaw naman ni Migo na kahit umalis siya ng Pilipinas noong nakaraang buwan ng Abril ay hindi niya iniwan ang larangan ng pag-arte sa showbiz.

Si Douglas Errol “Migo” Dreyfus Adecer ay isang Filipino-Australian actor na nakilala sa showbiz matapos maging kalahok ng 6th season ng talent reality show ng GMA na StarStruck kung saan nga ay siya ang itinanghal na Ultimate Male Survivor noong 2015.

Photo credits to the owner

Matapos ang kompetisyon ay namayagpag ang karera ni Migo kung saan nga ay hindi lamang husay sa pag-arte ang pinatunayan kundi isa rin siyang mahusay na singer at dancer. Ngunit, dahil nga sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay kasalukuyan siyang namamahinga sa showbiz ngayon.

error: Content is protected !!