Connect with us

Stories

Michelle Lhor Bana-ag, Hindi Kinaya ang mga Basher, Nakipag-ayos na sa Komedyanteng si Tekla

Matapos nga ang mahabang usapan sa kontrobersyang kinakaharap ng komedyanteng si Tekla laban sa dati nitong kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag, sa wakas ay nagkipag-ayos na rin si Michelle kay Tekla.




Noong ika-26 ng Oktubre, araw ng Lunes, ay kinumpirma ni Michelle sa panayam sa programa ng batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo, na nagkaayos na nga sila ng komedyanteng si Tekla.

Nang tanungin ni Idol Raffy kung sino ang unang nag-reach out upang makipag-ayos, sinabi ni Michelle na tinawagan ng kanyang kapatid si Tekla para magkita at ayusin ang gulo para na rin sa ikabubuti ng lahat. Sa tulong nga ng manager ni Tekla na si Rose Conde, ay nagkaroon ng pinirmahang kasunduan sa pagitan ni Tekla at Michelle, ito nama’y kanilang ipapanotaryo. Ayon nga kay Michelle, ay magbibigay na lamang ng sustento si Tekla sa kanilang anak.

Ibinahagi naman ni Michelle na sa kanilang pag-uusap ni Tekla, ay nais umano ng komedyante na magsama sila sa iisang bubong, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na kasama ang kapatid at mga pamangkin ni Michelle, kundi sila na lamang mag-ina. Bagay na tinanggihan ni Michelle, dahil nais na talaga niyang makipaghiwalay na kay Tekla, at ayaw niyang mawalay sa kanyang mga pamangkin.

Samantala, bagama’t nakipag-ayos na si Michelle kay Tekla ay sumailalim parin ito sa cross-examination test sa tulong ni Atty. Garret Tungol upang makatiyak na nagsasabi ito ng totoo at upang malaman kung may laban ba ang kaso nito sa korte.

Matapos ang ilang mga katanungan kay Michelle ni Attty. Garret, nakumpirma na walang laban ang kaso ni Michelle sa korte dahil na rin sa kakulangan ng ibendensya. Una, ay hindi umano umalis si Michelle sa lugar kung saan nagpapaligaya ng sarili si Tekla upang iiwas ang anak kahit may pagkakataon naman ito. Pangalawa, hindi naman ito ginagamitan ng dahas ni Tekla sa tuwing humihiling na makipagtalik. Huli, ay hindi rin umano tatanggapin sa korte, ang rason nitong hindi nakakakain sa tamang oras kapag tinanggihan ang nais ni Tekla.

Samantala, bago naman matapos ang panayam, ay may naging kahilingan si Michelle kay Idol Raffy. Ito nga ay ang bayad sa kanilang inuupahan at munting kabuhayan. Agad naman itong pinaunlakan ni Idol Raffy at pati na rin ang pagpapaposteso ng ngipin ni Michelle ay sinagot na rin ng mamamahayag.




At dahil nga nagkaayos na ang magkabilang panig, ay hindi na kinakailangang sumalang sa drug test at lie detector test si Michelle dahil wala na ring saysay ito. Ngunit, naghamon si Michelle na ituloy pa rin ito upang patunayan umano sa mga netizens na inosente siya at nagsasabi ng totoo.

Pag-amin nga ni Michelle ay nai-stress na siya sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya ng mga netizens at maging ang kanyang kapatid at mga pamangkin ay nadadamay na.

“Isa rin po sa dahilan kung bakit nakipag-ayos na po ako ay dahil sobrang stress na ako at para na rin po sa anak ko kasi ayaw ko namang malaman niya paglaki kung anong nangyari sa amin ng tatay niya. Ang daming netizens po na galit na galit sa akin, sa pamilya ko, sa mga pamangkin ko at may pagbabanta pa. Totoong nagkamali po ako rati, nagkabisyo pero inaayos ko naman na ang buhay ko. Sana po huwag idamay ang mga pamangkin ko kasi pati pag-aaral nila nadadamay”

error: Content is protected !!