Connect with us

Entertainment

Mga Sweet Pictures Ng Kapusong Sila Derek Ramsay at Andrea Torres Pinakilig ang mga Netizens

Published

on

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizen ang mga kumakalat na litrato ng bagong showbiz couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Kitang kita sa mga inupload na larawan ng Aktor ang pagiging sweet nila habang namamasyal sa Dubai.



Photo credits: ramsayderek07 | Instagram 

Kaagad na umani ng maraming likes at shares ang larawang ng Kapuso couple pagkatapos na ito ay maipost sa Instagram account ng hunk model. Sa isang larawan nga na ibinahagi ni Derek, kuhang kuha ang sweet moment ng dalawa habang hinahalikan ng 49 taong gulang na Kapuso Artist ang kapwa co-star sa “The Better Woman”.



Sa kabilang banda, matatandaang nagkaroon ng kontrobersiya ang buhay pag-ibig ng dating Kapatid Aktor matapos hiwalayan ang matagal ng non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca. Diumano si Andrea daw ang naging dahilan ng break-up ni Derek sa dating kasintahan. Pero mariin niyang nilinaw na hindi ang magandang aktres ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Photo credits: ramsayderek07 | Instagram

Ayon pa sa mga ulat, unang nakitaan ng kakaibang closeness ang dalawa ng nagpunta si Andrea sa Shanghai, China kung saan mayroong sinalihan ang “Kidlat” actor na tournament. At pagkatapos ng laro nakita pang masayang masaya magkasama ang showbiz couple na namamasyal, sa isang laro pa nga ni Derek nagpost ang aktres ng isang larawan na may mensaheng “Always behind you” na lalong nagpatibay na talagang may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Photo credits: ramsayderek07 | Instagram

At noong Setyembre 26, tuluyan na ngang binasag ni Derek ang katahimikan at tinapos na ang mga spekulasyon ng mga tagahanga pati mga malalapit na kaibigan. Inamin na nila ang estado ng kanilang relasyon kung saan sinabi ng gwapong aktor sa isang panayam na higit pa sa sila sa magkaibigan, “We’re more than friends” paglilinaw pa ng hunk na binata.



Sa kabila ng pangyayari nanatili ang paghanga ng mga fans nila Derek at Andrea. Sa katunayan, gumawa pa nga sila ng isang fans club na tinawag nilang “AnDrek” bilang pagpapakita na anuman ang landas na tahakin ng mga idolo mananatili silang susuporta sa likod ng mga Kapuso Couple.

error: Content is protected !!