Mga Netizens sa Social Media, Naantig sa Larawan ng Dalawang Bata na Natutulog sa Kariton Kasama ang mga Panindang Rambutan ng Kanilang mga Magulang

Sa panahon ngayon hindi talaga natin maitatangin na maraming kapos palad na pamilya at tanging pagtitinda lang ng kung ano ang kaya nila ang kanilang pinagkakakitaan.

May ibang mga magulang na hirap makapaghanap buhay dahil may mga anak pa silang maliliit at hindi puwedeng iwan nalang basta basta.


Ngunit para sa mag asawang nagtitinda ng rambutan, ang mawalay sa kanilang mga maliliit na anak ay napakahirap at mas maigi na isama nila itong magasawa sa kanilang pagtitinda upang hindi mawalay sa kanilang paningin.

Sa kagustuhan na kumita ng pera habang kasama ang mga anak, marahil na napagdesisyonan ng magasawang ito na isama sa kanilang pagtitinda ang kanilang dalawang anak.

Isang netizen ang nakapansin sa magasawang ito habang nagtitinda, nagulat siya ng makita ang dalawang anak nila ay nakahiga sa kariton at natutulog sa ilalim habang ang kanilang mga paninda ay nasa itaas naman.


Kung titignan ay marahil ang edad ng dalawang batang ito ay nasa 3 hangang 4 na taong gulang palamang kaya siguro isinama nila ito para maalagaan nila habang naghahanap buhay silang dalawa.

Dahil naantig ang netizen na si Shair Joy Mendelez sa kanyang nakita, hindi niya napigilan na kunan ng litrato ang dalawang bata at ipost sa social media.

Nabangit niya sa kanyang viral post na ang litratong ito ay kuha sa Divisoria at dahil naawa siya sa kalagayan ng pamilya, bumili daw siya ng tatlong kilong rambutan at inihaw na mais na paninda ng mga magulang ng bata.


Dagdag pa sa post ni Shair Joy Mendelez na, sana raw ay mas tangkilikin natin ang paninda ng ating mga kababayan na hikahos sa buhay at isang kahig isang tuka lang sa isang araw kaysa bumili sa mga pamilihan kung saan mamayaman na ang mayari at di na kailangan ng marami pang pera.

Maraming netizen ang naantig at sumangayon sa ibinahagi na post ni Shair na dapat suportahan ang mga maliliit na negosyante o lalo na yung mga katulad ng magasawang nag titinda ng rambutan dahil ang makabili daw ng kahit unti sa kanila ay napaka laking tulong na para sa kanilang pambili ng pagkain at ibang pangangailangan.

Ano ang masasabi niyo sa artikulo na ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.