Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Napa-wow Sa Bonggang Church Wedding Ng Aktor Na Si JC De Vera At Asawa Nitong Si Rikkah Cruz

Matatandaan na noong Pebrero 28, 2021 nang ibunyag ng aktor na si JC De Vera sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog ni Erich Gonzales na siya at ang kanyang non-showbiz girlfriend ay noon pang 2018 ikinasal.

Photo Credits: JC De Vera | IG

“Ang nangyari kasi diyan dapat inuna talaga namin ‘yung civil wedding tapos lumabas si Lana then right after lumabas si Lana dapat mag-church wedding na kami, eh nagka-pandemic so na-move ulit sometime this year.”

Ngunit, hindi lamang isang beses kundi dalawang beses silang ikinasal. Una nga silang ikinasal noong 2018, kung saan sila’y nagsumpaan sa pamamagitan ng civil wedding ceremony. Tila hindi naman nakontento si JC na hindi sila magkaroon ng isang bonggant kasalan. At tatlong taon nga matapos ang kanilang civil wedding ceremony ay idinaos naman ang kanilang bonggang church wedding.

Photo Credits: JC De Vera | IG

Noong Setyembre 21, 2021 naganap ang kanilang bonggang pag-iisang dibdib sa simbahan ng San Antonio de Padua Church sa Silang Cavite. At ang espesyal na araw na ito ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit nilang kaibigan.

Napakabongga naman talaga ng kanilang church wedding, dahilan nga kung bakit napahanga at talagang napa-wow ang mga netizens. Ibinahagi naman ni JC ang dahilan kung bakit nagdesisyon pa rin silang magpakasal sa simbahan kahit naikasal na sila.

Photo Credits: JC De Vera | IG

“Kailangan yung church. Hindi ko talaga madigest na hanggang doon lang kami sa civil wedding. Gusto talaga namin church. Yung civil wedding, dumaan lang. Mas gusto namin mag-prepare ng something really big,”paliwanag ni JC.

Makikita nga naman na talagang napakabongga ng naganap na kasal nina JC at Rikkah. Masisilayan ang angking kakisigan ni JC sa kanyang suot na Paul Cabral suit, habang si Rikkah naman ay lutang na lutang ang natural na kagandahan sa kanyang suot na wedding gown na obra ni Francis Libiran. Hindi naman maipagkakaila na bagay na bagay sa isa’t isa sina JC at Rikkah.

Photo Credits: JC De Vera | IG

 

Samantala, agad namang umani ng pagbati mula sa mga netizens ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Hindi rin naman naiwasan ng mga netizens ang humanga sa kanilang bonggang church wedding ceremony.

“Congrats sa pinakagwapong artista na alam ko, JC and to your lovely wife”

“Napakagwapong groom, congrats to you JC”

“Congratulations JC. Highschool ako crush na crush na po kita. Mga notebook ko noon lahat mukha mo.”

“It hurts, ikinasal na si crush. Pero anyway congrats. Lam ko masaya ka naman ng sobra. Basta support parin me sayo. La Vide Lena pinapanood ko kasi inaabangan ko pagsusungit mo don.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)

Ang masayang pagsasama nina JC at Rikkah ay biniyayaan ng isang napakacute na anak na babae na ngayon ay tatlong taong gulang na, si Lana Athena.

error: Content is protected !!