Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Napa-Wow sa Aktres na si Sheena Halili Dahil Kahit Ito ay Ganap ng Mommy ay Napanatili Nito ang Kanyang Kaseksihan

Tunay nga naman na kapag ang isang babae ay naging ganap ng ina ay may pagkakataon talaga na napapabayaan na nito ang kanyang sarili, lalo na pagdating sa kanyang hitsurang pisikal. Ito nga ay dahil sa imbis na asikasuhin ang sarili, ay mas inuuna nga ng isang ina ang bigyang pansin ang pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang anak.

Ngunit sa kabila nito, ay may mga kababaihan pa rin na nagagawang alagaan ang kanilang sarili, kahit nga sila ay isa ng ganap na mommy, ng hindi naman napapabayaan ang kanilang mga anak. At isa na nga rito ay ang aktres na si Sheena Halili, na batid natin na kailan lamang nga ay naging isa ng ganap na ina ng kanyang anak na si baby Martina.

Photo credits: Sheena Yvette Halili | IG

Ilang buwan nga lamang matapos magsilang ng aktres na si Sheena Halili, ay nagbahagi na ito ng kanyng post-pregnancy photo sa kanyang social media account, noon nga lamang ika-22 ng Pebrero taon ng kasalukuyan.

At sa larawan nga na ito na ibinahagi ng aktres, ay naging agaw-pansin sa mata ng mga netizens ang angkin pa rin niyang kagandahan at kaseksihan kahit pa nga siya ay isa ng ganap na mommy. Napa-wow nga ang marami dahil tila nga hindi man lang dumaan sa panganganak si Sheena, lalo nga’t makikita sa hubog ng kanyang pangangatawan na seksing seksi pa rin siya.

Photo credits: Sheena Yvette Halili | IG

Sa nasabing larawan ay makikita rin na ginagawa ni Sheen ang kanyang ‘mommy duty’ sa kanyang baby girl na si Martina, kung saan nga ay ipinapasyal niya ito habang ito ay sakay ng stroller. Kalakip nito ay ang caption na;

“Morning stroll! @babyzenphilippines ‘stroller got you covered, anak! Literally! Mo need for mommy to worry going outside, riding the elevator, and visiting the doctor because my baby is obviously safe inside this cocoon-like stroller! Osiya, stroll muna kami! See ya!”

Photo credits: Sheena Yvette Halili | IG

Photo credits: Sheena Yvette Halili | IG

Talaga namang napakaseksi pa rin ni Sheena ngayon kahit na nga siya ay isa ng ganap na mommy, at ito nga ay makikita sa aktres kahit na napaka-simpleng kasuotan ang kanyang suot.

Hindi rin maikakaila, na napakaganda pa rin ng aktres, kung saan tila nga mas naging blooming at gumanda pa ito lalo ng dumating sa kanyang buhay ang kanyang baby girl.

Pinuri nga ng marami ang angking kaseksihan ni Sheena, at talaga namang marami sa kanila ang napahanga sa taglay pa rin nitong kaseksihan, maging mga kapwa nga nito celebrity mommy ay napawow din sa kanyang seksing pangangatawan kahit na siya’y may baby na.

“Yung parang ako ang nanganak at hindi ikaw.”

“Hustisya po sa katawan ko, sexy mom. Kainins parang hindi ka nanganak Hihi sexy pa rin.”

“Grabe naman parang din nanganak sexy pa rin. Ako dambuhala na.”

Ilan nga sa mga kapwa celebrity mommy ni Sheena na napa-comment sa kanyang post kung saan ay naitanong ng mga ito kung bakit napakaseksi na nitong muli at halos wala na nga itong puson na dapat ay tanda ng panganganak nito ay sina Chariz Solomon at Charee Pineda na halos nakasabayan nga ng aktres sa kanyang naging panganganak noong nakaraang taon.

Inspirasyon naman para sa ilan ang pagiging maalaga ni Sheena sa kanyang sarili sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy.

error: Content is protected !!