Connect with us

Entertainment

Chito at Neri Miranda, Ibinahagi sa kanilang Social Media Account ang Gender Reveal nila para sa Pangalawa nilang Anak

Magmula ng isapubliko ng hinahangaang wais mom na si Neri Miranda ang kanyang pagdadalang-tao sa magiging ikalawang anak nila ng kanyang asawang si Chito Miranda ay marami na sa mga tagahanga at tagasuporta nilang mag-asawa ang nag-aabang kung ano nga ba ang magiging susunod na baby nilang mag-asawa.

Credits: Neri Naig | Instagram

Kaya naman marami ang talagang nag-abang sa naging video post ng 35-taong gulang na celebrity mom nito lamang nakaraan, kung saan ay isa umano itong virtual gender revelation nila ni Chito sa kung babae o lalaki nga ba ang kanilang magiging anak.

Araw ng Miyerkules, ika-19 ng Mayo ng ibahagi ni Neri sa kanyang social media account ang nasabing video, kung saan ito nga ay may kalakip na caption na nagbubunyag naman kung ano ang magiging pangalan ng kanilang ikalawang baby ni Chito sakaling ito ay maging babae o lalaki.

Credits: Neri Naig | Instagram

“Sa lalaki… sa babae… Manuel “Cash” Alfonso o Margarita “Maggie”, nakasaad na post ni Nerie.

Maririnig naman sa naturang video post na ito ni Nerie ang boses ni Chito na nagsasabi kung ilan nga ba sa kanilang mga tagsubaybay ang nasa “team boy” o “team girl.

“Ilan ang lalaki? Ilan ang babae?”, ang maririnig na saad ng bokalista na ang tinatanong nga ay ang mga sumusubaybay sa kanilang virtual celebration.

Para naman i-reveal ang magiging gender ng kanilang baby ay makikita nga ang isang kahon na may dekorasyon na nakabitin, kung saan ito ay may tali na hihilahin ng mag-asawa at sa oras nga na mahila ito ay mabubunyag kung babae o lalaki ang kanilang magiging ikalawang baby.

Credits: Neri Naig | Instagram

Samantala, matapos ngang itanong ni Chito kung ilan sa mga netizens ang nagsasabi na lalaki o babae ang kanilang magiging ikalawang baby, ay naghanda na ang mag-asawa na hilahin ang tali na magbubukas sa mahiwagang kahon ngunit bago pa man nga ito gawin ay nauna munang tinakpan ni Chito ang kanyang mukha na tila nga magugulat sa kung ano ang lalabas sa naturang kahon.

Sa kabila naman ng napakarami na nga ang nag-aabang ng magiging gender ng anak ng mag-asawa, bago naman tuluyang nabuksan ang mahiwagang kahon na magbubunyag kung babae o lalaki ba ang magiging anak nina Chito at Neri, ay agad namang pinutol ng celebrity mom ang video, na nagpabitin nga sa mga netizens na malaman ang gender ng ikalawang baby nilang mag-asawa.

Credits: Neri Naig | Instagram

Agad namang bumuhos ang maraming mga komento sa video post na ito ni Neri, kung saan ay may iba nga na inakala na nag-error lamang ang kanilang connection kaya hindi natapos ang video, at ang iba nga ay sinabi na nabitin sila sa naging pagbubunyag nina Neri at Chito ng gender ng second baby ng mga ito.

“Baby girl po kasi blooming si Neri.”
“Nakaka-excite tapus nung hinila bitin.”
“Nanggigil ako. Nakailang ulit ako akala ko mabagal ang net ko.”
“Halaaaaa. Inulit ulit ko pa kala ko may problema connection. Juskoooooo. Nakakabitin.”

Si Neri Miranda ay isa sa mga celebrity mommy ngayon na talaga namang hinahangaan ng maraming mga netizens dahil sa kanyang wais at pagiging madiskarte lalo na sa negosyong kanyang naipundar. Siya ay ang asawa ng musician-vocalist na si Chito Miranda.

error: Content is protected !!