Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Hindi Napigilang Mapa-Wow sa Pagkamangha sa Flat Tummy ng Mas Lalo Pang Gumagandang Celebrity Mommy na si Dimples Romana

Mas lalo pa ngang lumitaw ang kagandahan ng aktres na si Dimples Romana ngayong siya’y nasa edad 36 na. At sa kabila nga ng kanyang edad ay nakamamangha na kahit ‘mother of two’ na si Dimples ay flat pa rin ang kanyang tummy.

Credit: Dimples Romana | Instagram

Marami nga sa mga kababaihan ngayon, lalo na sa mga mommy na ang pinapangarap ang magkaroon ng magandang pangangatawan. Kagaya na nga lamang ng mga mommy na malaki ang naging pagbabago sa hubog ng katawan magmula ng sila ay magka-anak.

Ang iba ngang mga momshie ay may kanya-kanyang nagiging fitness journey para lamang maibalik ang kanilang magandang hubog ng pangangatawan.

May iba nga na nagda-diet, may nagto-todo work out at ang ilan ay pinagsasabay ang pagdadiet at pagwo-work out upang mas ma-achieve nga nila ang magandang pangangatawan na pinapangarap nila.

Credit: Dimples Romana | Instagram

Ngunit tila nga para sa ibang mga kababaihan ay hindi mahirap gawin ang pagbabalik ng hubog ng katawan kahit na sila’y nagkaanak na, kagaya na nga lamang ng aktres na si Dimples Romana.

Nito nga lamang nakaraan, ay pina-wow ng Kapamilya actress na si Dimples Romana ang maraming netizens, matapos niyang i-flex sa kanyang Instagram ang dalawa niyang larawan na nagpapakita ng kanyang flat tummy.

Kalakip ng dalawang larawan na ito ng aktres ay ang caption niya na;

Credit: Dimples Romana | Instagram

“The womb that carried two of the kindest children you’ll ever meet it also carries plenty of amazing things like cake, chocolates, lots of rice, ham sandwiches, and lots of inasal and sisig PROGRESS REPORT, 2nd month of my health and fitness journey Morning world! Done with my photo na pwede na kumain.”

Pinasalamat rin ni Dimples ang mga taong sumuporta at tumulong sa kanya upang ma-achieve niya ang kanyang body goals, at pinaka-una na nga sa mga ito ay ang kanyang pamilya, ang kanyang asawang si Boyet at mga anak nila na sina Callie at Alonzo.

“Shout out to the best support system ever @papaboyetonline @callieahmee #AlonzoRomeJose and my ate @preetykhau06 for the outfit inspo @jumpman23 @nikepark_ph.”

Credit: Dimples Romana | Instagram

Bumuhos naman sa comment section ng post na ito ni Dimples ang napakaraming mga komento ng paghanga sa kanyang pagka-achieve sa body goal niya.

Maliban sa mga tagahanga ni Dimples at mga netizens, ay nagbigay komento rin ng kani-kanilang mga reaksyon ang ilan sa mga kaibigan ni Dimples sa industriya ng showbiz.

Ilan sa mga nagbigay komento na kaibigan ni Dimples ay sina Iza Calzado, at Krissy Achino. Sina Maxene Magalon, Ria Atayde, Joj Agpangan, Shaira Luna at Macoy Dubs ay nagbigay naman ng yes-wow at heart reactions sa post na ito ni Dimples.

error: Content is protected !!