Connect with us

Entertainment

Mga Netizens Hinangaan ang Walang Kupas na Ganda ni Heart Evangelista, Matapos i-Repost ng Aktres ang Kanyang Yearbook Photo

Isa sa mga pinakamagaganda at hinahangaang aktres ngayon sa mundo ng showbiz ay ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista. Matatandaan nagsimula si Heart sa kanyang showbiz career noong siya ay teenager pa lamang, at noon pa man nga ay kinakitaan na siya ng kahanga-hangang ganda at galing sa pagporma ng kanyang kasuotan.

Photo credits: Heart Evangelista| IG

Sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Heart sa mundo ng showbiz, hindi lamang bilang isang mahusay na aktres kundi isa rin siya sa mga iniidolo ng marami pagdating sa fashion hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang bansa.

Photo credits: Heart Evangelista| IG

Samantala, nito lamang nakaraan ay tila napa-throwback si Heart sa kanyang kabataan, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang kanyang yearbook photo, kung saan ay makikita rito ang natural niyang ganda at kalakip pa nito ang write-ups niya.

Photo credits: Google.com

Kaagad namang umani ng paghanga mula sa napakaraming mga netizens ang larawan na ito ng aktres. Ayon sa ibang nagkomento, ay talaga namang noon pa man ay taglay na ng aktres ang kahanga-hangang ganda.

Photo credits: Heart Evangelista| IG

Mababasa naman sa naturang wwrite-ups ni Heart sa yearbook photo niya na ito na noon pa man nga ay mapagmahal na ang aktres sa mga hayop at mahilig din ito magpinta at umarte.

Photo credits: Google.com

Marami sa atin ang nakababatid na si Heart ay talagang mahilig at mapagmahal sa hayop.
Napag-alama din nga natin sa lumabas na ulat, na naging muse din noon si Heart at siya rin ay miyembro ng drama club sa kanilang paaralan. Hindi naman ito kataka-taka dahil sa tunay namang napakaganda ni Heart at napakahusay niya rin sa pag-arte.

“I’m very understanding and down-to-earth. I love animals and I’m fond of painting and acting. I hope to become an actress someday. I believe that time is gold because every second counts. We should do worthwhile activities every second of the day”, ani Heart sa kanyang yearbook write-ups.

Agad namang bumuhos ang napakaraming komento mula sa mga netizens ang post na ito ni Heart. Narito nga ang ilan sa kanilang mga komento.

“your dreams have come true I hope mine will too.”
“Heart Evangelista beauty is timeless, up until to this day nothing change.”
“Miss Heart vampire ka po ba”

Photo credits: Google.com

Tunay ngang kahanga-hanga ang taglay na kagandahan ni Heart, hindi lang sa panlabas kundi maging ang kalooban nito, kaya naman marami ang talagang umiidolo sa kanya.

Photo credits: Heart Evangelista| IG

Sa kasalukuyan ay kasal na si Heart sa mister niyang si Chiz Escudero, at maging ang pagsasama nilang mag-asawa ay hinahangaan din ng maraming netizens dahil sa kabila ng malaking agwat ng kanilang mga edad ay napakatamis naman ng kanilang pagmamahalang mag-asawa.

error: Content is protected !!