Connect with us

Entertainment

Mga Netizens at mga Kilalang Personalidad sa Showbiz Pinuri at Hinangaan ang Walang Kupas na Kagandahan ng Aktres na Si Kaye Abad

Sa mundo ng showbiz ay maraming mga aktres ang talaga namang labis na hinahangaan ng marami ang angking kagandahan, at isa na nga rito ay ang aktres na si Kaye Abad.

Photo credits: Kaye Abad| IG

Pagdating sa usapin ng gandang tila hindi kumukupas sa kabila ng matuling paglipas ng panahon, ay nabibilang nga riyan si Kaye Abad, na unang napansin ng publiko ang simple ngunit kahanga-hangang ganda noong siya ay maging isa sa mga cast ng teen-oriented show noon ng ABS-CBN na ‘Tabing Ilog’.

Photo credits: Kaye Abad| IG

Tunay ngag ang taglay na kagandahan ni Kaye ay hinangaan ng marami, ito ay dahil kahit may make up man siya o wala ay sadya namang hindi nakakasawang pagmasdan ang kanyang napakagandang mukha.
Samantala, si Kaye Abad ngayon ay isa na ngang misis at ina, kung saan siya nga ay mother of two na ng anak nila ng mister niyang si Paul Jake Castillo.

At kahit isa na ngang ina ng dalawa niyang anak, ay hindi pa rin nga kumukupas ang taglay na kagandahan ni Kaye, at patunay nito ng muli niyang pahangain ang mga tagahanga niya at ilang kilalang personalidad sa showbiz matapos niyang ibahagi ang kanyang video kung saan makikita ang walang kakupas-kupas pa rin na gandang taglay niya.

Photo credits: Kaye Abad| IG

Makikita nga sa naturang video na ibinahagi ni Kaye sa kanyang Instagram account ang walang kupas niyang kagandahan. Kalakip nga ng video na ito ay ang maikling caption niya kung saan ay inilahad niya na after 2-years ay ngayon lamang nga umano siya nakapagmake up uli ng ganito sa kanyang sarili.

Photo credits: Kaye Abad| IG

Kahit nga 39-taong gulang na ngayon si Kaye at happily married na sa kanyang asawang si Paul at ganap na ngang ina ng kanilang dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Baby Inigo, ay makikita nga sa video na ito na bagong upload niya na fres at young-looking pa rin siya.

Photo credits to the owner

Dahil sa walang kupas na kagandahan na ito ni Kaye na ipinamalas niya sa uploaded niyang video, hindi lamang nga mga netizens ang humanga sa kanyang ganda kundi maging ang ilan sa mga kilalang personalidad din sa showbiz, tulad na lamang nga nina Jason Abalos, Pauleen Luna Sotto, Yam Concepcion, at Iza Calzado.

Photo credits to the owner

Makikita rin sina Melai Cantiveros, Marvin Agustin, Nikki Valdez, Isabel Oli Prats, Sylvia Sanchez at marami pa ngang iba na nagkomento rin ng paghanga para sa kahanga-hanga at walang kakupas kupas na ganda ni Kaye.

error: Content is protected !!