Connect with us

Entertainment

Mga Mamahaling Sapatos at Damit ni Idol Raffy Tulfo, Ibebenta Upang Idonate Lahat ng Kikitain sa Charity

Si Raffy Tulfo ay kilala bilang isang batikang mamahayag sa bansa na talaga namang hinahangaan ng publiko ang kanyang tapat na serbisyo. Sa paghahatid pa lamang nga ng makatotohanang impormasyon o detalye sa publiko, ay talagang hinahangaan na siya.

Ngunit, higit naman siyang hinahangaan sa pagbibigay niya ng tulong sa pamamagitan ng kanyang programang Raffy Tulfo in Action. Ang nasabing programa nga ang takbuan ng mga mamamayan kapag nahaharap sila sa problema, at kapag problemang pinansyal naman ay hindi nakakatanggi si Idol Raffy na magpaabot ng tulong.

Makikita nga na madalas mamahagi ng tulong pinasyal si Idol Raffy sa kanyang programa. Batid naman ng marami na maliban sa tulong na bigay ng programa, at mamamahagi rin ng tulong si Idol Raffy mula sa kanyang sariling bulsa. Hindi lamang nga, bastang pera ang kanyang nilalabas dahil umaabot na ito ng milyon-milyon.

Tila nga hindi na maawat pa si Idol Raffy sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Sadyang napakabuti ng kanyang puso at palaging bukas ang kanyang palad upang tumulong. Kahanga-hanga naman na kahit ang mga mamahaling sapatos at damit ni Idol Raffy ay kanyang ibebenta at ang malilikom na salapi ay idodonate niya lahat sa charity.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Maliban rin sa pagiging journalist, ay isa na ring vlogger si Idol Raffy kung saan ay umabot na ng mahigit 19 Million ang subscriber ng Youtube Channel ng kanyang programa na Raffy Tulfo In Action.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

At sa latest vlog na ibinahagi sa Youtube channel ng kanyang programa, mapapanood ang pagpapakita ni Idol Raffy ng kanyang koleksyon ng mamahaling sapatos at damit na kanyang ibebenta.

Sa unang bahagi ng video, ipinakita niya ang mga mamahaling sapatos at damit na kanyang ibebenta para idonate sa charity. Hinimok rin niya ang kanyang mga viewers na bumili sa auction dahil ang 100% na kita rito ay idodonate niya sa charity.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

At tulad nga ng inaasahan, ay sadyang napakarami ng kanyang koleksyon kung saan ay halos mapuno ang isang silid sa dami. Hindi rin biro ang presyo ng bawat isa dahil sadyang may nakakalulang halaga ang mga ito. Ilan nga sa mga ito ay mga sikat at kilalang brand tulad ng Givenchy, Dolce & Gabbana, Louis Vuitton, Balenciaga.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Pagdating naman sa mga damit, na kung saan makikita na madalas nakasuot ng longsleeve si Idol Raffy, ay masasabi na sadyang napakarami rin nito kung saan may nakalaan rin siyang silid para rito. At lahat ng mga ito ay branded katulad na lamang ng Burberry, Christian Dior, Louis Vuitton, Dolce & Gabbana, Hermes, Gucci, at Givenchy.

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Photo credits: Raffy Tulfo in Action | Youtube

Talaga nga namang kahanga-hanga ang taglay na napakabuting puso ni Idol Raffy dahil lahat ng paraan ay gagawin niya makatulong lamang sa mga nangangailangan. Walang duda kung bakit patuloy na inuulan ng biyaya ang kanyang buhay at patuloy siyang pinagpapala ng Diyos.

error: Content is protected !!