Connect with us

Entertainment

Mga Magulang ni Alex Gonzaga na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, Kumasa sa ‘Jojowain o Totoropahin Challenge’

Isa na namang nakakatawang vlog ang hatid ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos kumasa sa “Jojowain o Totropahin Challenge’ ang kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.




Sa latest vlog ni Alex, tampok kung sino ang mga nais jowain at tropahin na mga Pinoy Celebrities ng kanyang mga magulang. Ang naturang vlog ni Alex ay talagang kanyang pinagplanuhan, ito nga ay upang i-prank pareho ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Ang plano ni Alex ay magselos ang mga ito sa isa’t isa sa mga celebrities na kanyang babanggitin upang ang mga ito ay magtalo. At lingid nga sa kaalaman ng mga ito ay pareho silang kinausap ni Alex sa mga dapat gawin bago sumalang sa challenge.

Sa pagsisimula nga ng challenge ay makikita na excited ang dalawa sa kanilang magiging kasagutan. At nang magsimula na si Alex na magbigay ng pangalan ng mga kilalang celebrities ay nagbigay na ang mga ito ng kanya-kanyang kasagutan kung jojowain o totropahin. Samantala, makikita naman sa reaksyon ni Mommy Pinty na sa tuwing sasagot si Daddy Bonoy, ay nagseselos ito sa mga babaeng binabanggit ni Alex para pagpilian ng kanyang ama.

Ilan nga sa pinagpilian ni Daddy Bonoy na mga magagandang Pinay Celebrities ay sina sina Marjorie Barretto, Alma Moreno, Sharon Cuneta, Jenine Desiderio, Anjanette Abayari, Cathy Garcia-Molina, dating Miss Universe Margie Moran, at Bise Presidente Leni Robredo. At ang talagang nais jowain ni Daddy Bonoy ay ang Bise Presidente na si Leni Robredo. Ito nga ay dahil kahawig umano ni Mommy Pinty ang Bise Presidente.




Pagbahagi naman ni Mommy Pinty, ay minsan na siyang napagkamalang si Leni Robredo habang nakasakay sa eroplano.
Samantala, marami naman sa mga pangalang binanggit ni Alex ang nais jowain ni Mommy Pinty. Ilan nga sa kanyang mga pinagpilian ay sina Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Diether Ocampo, Bernard Palanca, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Vic Sotto, at Manila Mayor Isko Moreno. Ngunit, ang pinaka-bet umano ni Mommy Pinty Jowain ay ang Mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Dito naman nag-react si Daddy Bonoy at sinabi na:

“Mananalo na ako. Alam mo kung bakit? Hindi naman manliligaw ‘yun eh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Hindi naman nagpatalo si Mommy Pinty at agad na dumepensa at sinabi na:

“Excuse me? Dalawang beses kitang binasted.”

Matapos naman banggitin ang mga pangalan ng celebrities, ay binanggit rin syempre ni Alex ang pangalan ng isa’t isa. At pareho namang Jojowain ang naging kasagutan ng mga ito.
Samantala, nang matapos na ang challenge ay sinabi ni Alex na prank lamang ito sa kanilang dalawa. Ngunit, mariin naman itong itinanggi ng mag-asawa, sapagkat hindi naman daw sila napikon sa ginawang challenge.

Bagama’t, itinanggi nga nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy na na-prank sila ni Alex, ay may ibidensya naman si Alex kung saan ay nakunan ng video ang pagtatalo ng mag-asawa. Sa huli, ay inamin rin ni Daddy Bonoy na nagagandahan siya sa ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio at sa asawa ni Christopher de Leon na si Sandy Andolong.

error: Content is protected !!