Connect with us

Entertainment

Mga Magulang Ni Alex Gonzaga, Hindi Ikinatuwa Ang Prank Na Siya Ay Buntis

Published

on

Ang tanging hangad ng mga magulang sa kanilang anak ay ang magkaroon ng maayos na buhay.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel




Kaya naman hangga’t maaari ay ayaw nilang mag-asawa ang mga anak nila ng wala sa oras, na kung saan ay mabuntis agad ng hindi pa kasal. Ang pagbubuntis ng wala sa plano ay kinakatakutang mangyari ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ngunit ang mga katagang “Mom, I’m pregnant” ay naging laman sa vlog ng sikat na vlogger at isa ring aktres na si Alex Gonzaga. Ang ideya niyang pag-prank sa kanyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay kinagiliwan ng mga netizens dahil sa naging reaksyon ng mga ito.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel




Sa Vlog ni Alex na pinamagatang “Pregnancy Prank”, ay una niyang kinausap ang kanyang Mommy Pinty na walang kamalay-malay sa kanyang planong pagprank rito. Sina Mommy Pinty at Uncle ni Alex ay pinakitaan niya ng tatlong positive na pregnancy test na may kasama pang ultrasound. Ngunit, hindi alam ng dalawa na planado niya ito at ang naturang pregnancy test at ultrasound ay pagmamay-ari ng kanyang kaibigan.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Nang sabihin na ni Alex na siya ay buntis, hindi maipinta ang mukha ni Mommy Pinty kaya naman agad itong umalis na tila galit na galit kay Alex. Dahil sa naging reaksyon ni Mommy Pinty ay agad namang sinabi ni Alex na prank lamang ang lahat ng ito para sa kanyang vlog. Naging emosyonal si Alex sa naging reaksyon ng kanyang ina at naiyak pa ang aktres at sinabi na hindi umano niya gagawin iyong magpabuntis ng hindi pa kasal.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel




Samantala, ang sumunod namang napagkatuwaan ni Alex na iprank ay ang kanyang ama. Nang inabot ni Alex ang ultrasound rito ay bigla itong hindi mapakali at napaupo na lamang sa isang tabi kung saan ay nagbasa ito ng Bible. Sa hindi maipintang mukha ni Daddy Bonoy ay ayaw nitong makipag-usap sa mag-inang Alex at Mommy Pinty. Ngunit sa naging reaksyon ng ama ni Alex, sinabi na rin ni Alex sa kanyang ama na prank lamang ito.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Ang pregnancy prank ng vlog ni Alex ay kinagiliwan ng mga netizens lalong-lalo na ang mga ipinakitang reaksyon ng kanyang mga magulang. Ang naging reaksyon naman ng kanyang ama na si Daddy Bonoy ay napansin ng mga netizens at kinapulutan pa ng aral. Ang mga netizens ay nag-iwan ng kanilang mga reaksyon at komento sa naturang vlog ni Alex.

Screenshot: Alex Gonzaga Official Youtube Channel




“May natutunan ako kay Daddy Bonoy today. It is that when you can’t contain your emotions, best thing to do is read your bible. You’re family is really a blessing to all of us, you never failed to make us laugh. God bless you Ms. Alex”

Saad ng isang netizen.

“Haha iloveyou alex, im so proud of you. Swerte ng parents mo sayo, and also swerte ka rin sa kanila. Bihira na lng ngayon ang magulang na very strict pag dating sa ganyan. Shoutout po and God bless”

“aq natak0t sa magi2ng reaction ng parents nya hehe ang cute nung mga nagta2mpo cla. nka2touch ung pagma2halan at care nila sa family nila. sana may pamilya dn aq gaya nila..”




Tunay nga na pag kapalaran na ng anak na ang pinag-uusapan ay talagang nakapa-protective ang ating mga magulang, lalo na kung mabuntis ng wala sa oras. Base sa naging reaksyon ng mga magulang ni Alex, makikita ang tunay na pagmamahal ng mga ito sa kanilang anak na talagang kanilang iniingatan. Punong-puno ng pagmamahalan ng isang pamilya na naging inspirasyon sa lahat.

error: Content is protected !!