Connect with us

Entertainment

Mga Litrato ni Sheena Halili at ng Kaniyang Anak na si Baby Martina, Kinagigiliwan Ngayon ng mga Netizens

Sa Instagram accounts ng ating mga pinakapaboritong bituwin sa showbiz, mapapansin hindi lamang ang kanilang umaapaw na mga litrato kundi pati na rin ang napakaraming litrato ng kani-kanilang masayang pamilya at napaka-cute na mga anak. Dahil dito, masasabing proud na proud ang mga celebrity parents na ito sa kanilang mga anak. Hindi rin maiwasan ng mga netizens na matuwa sa mga litratong ito.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Isa nga sa mga celebrity moms na kinagigiliwan ngayon ay si Sheena Halili kasama ang kaniyang unica hija na si Baby Martina. Sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa social media, makikita ang mga nakakatuwang bonding moments ng mag-ina kaya naman talagang masasabi na mayroong magandang relasyon ang dalawa. Isa nga sa mga kinagigiliwang Instagram post ng aktres ay ang mga litrato ng mag-ina kung saan makikita ang kanilang mga nakakatuwang pose.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Mapapansin rin mula sa kanilang mga twinning na outfits at litrato na talaga namang sa murang edad pa lamang ay celebrity material na ang bata. Wala ring duda na nakuha ni Baby Martina ang kaniyang kagandahan mula sa kaniyang mommy. Bukod pa rito, makikita rin na talagang kasa-kasama ng aktres ang kaniyang anak sa iba’t ibang bakasyon at adventures.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Dagdag pa sa mga litratong ito ang solo pictures ni Baby Martina. Talaga namang napaka-photogenic ng anak na ito ni Sheena kaya naman tuwang-tuwa rin sa kaniya ang mga netizens at maging ang mga taga-suporta at katrabaho ni Sheena sa showbiz. Sa ngayon nga ay libo-libo na ang likes ng Instagram post na ito at napakarami na rin ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa mag-ina.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Totoo nga na bagamat napakaraming ina ang nagbabahagi ng kanilang masasaya at maging ang mga malulungkot na karanasan bilang isang ina sa kanilang mga anak, hindi pa rin maitatanggi na nakakatuwang makita ang mga magulang gaya ni Sheena na nagsasaya at bumubuo ng marami pang masasayang alaala kasama ang kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Photo credits: Sheena Halili | IG

Nakapagbibigay rin ng kaunting kasiyahan ang mga litratong ito sa mga netizens sa social media. Maaari din itong magsilbi bilang paalala sa ilang magulang na maglaan ng kaunting oras upang magsaya kasama ang kanilang mga anak.

error: Content is protected !!