Connect with us

Entertainment

Mga Kilalang Artista Na Buhat Sa Mayamang Pamilya Bago Pa Nakilala Sa Mundo Ng Showbiz

Published

on

Karaniwan kapag sinabi nating mga sikat na artista o mga kilalang personalidad ay minsang nag-iiwan ng impresiyong sila ay naging mayaman dahil sa tagumpay na nakamit sa propesyong kinabibilangan.

Marahil dahil na rin sa mga nag-aasam na maging artista na ilan sa kanila ay may ambisyong yumaman ay hindi maiwasang isipin na ang iniidolo mo ay kabilang rin dito.



Sa kabilang banda may mga artista man talaga na naging daan ang kasikatan sa showbiz upang magawang makaahon mula sa kahirapan mayroon namang mayaman na talaga at buhat sa mga kilalang pangalan bago pasukin ang mundo ng showbiz. Ating kilalanin sila isa isa,

Dingdong Dantes
Kakaunti ang nakakaalam na ang dating ‘Abztract’ dancer at asawa ni Marian Rivera ay mula sa isang kilalang pamilya ng mga ‘Gonzales’.

    

Richard Yap
Sino ba naman ang hindi kikiligin sa tuwing makikita natin ang leading Actor ni Jodie Sta Maria subalit sa mga hindi nakakaalam bago pa natin siya nasilayan sa mga teleserye ay mula talaga sa kilala at mayayamang mga Chinese Family sa ating bansa.

Jake Ejercito
Bago pa naging artista ang 29 taong gulang na aktro ay mula siya sa kilalang pamilya na Ejercito at tatay lang naman niya ang dating Pangulong Joseph Estrada.



Albie Casino
Ang isa mga gwapo at palabang aktor sa kapamilya teleseryeng “Los Bastardos” ay buhat sa pamilya ng mga businessman.

Enzo Pineda
Sa mga hindi nakakaalam ang ama niyang si Eric Pineda ay business manager lang naman ng nag-iisang Pambansang Kamao Manny Pacquiao at company share holder din sa industriya ng BPO.

Derek Ramsay
Sa kabilang banda ang gwapong kasintahan ni Andrea Torres ay may negosyong may kinalaman sa electronic-security dahil na rin sa amang British na isa palang Detective sa Scotland Yard.



Matteo Guidecelli
Ang gwapong nobyo ni Sarah Geronimo ay kilala sa kaniyang propesyon bilang magaling na racer. Samantala ang kanyang ama ay nasa industriya ng manufacturing business at lolo niya si dating Chief Justice Marcelo Fernan.

Sunshine Dizon
Ang dating Sanggre Pirena ng Encatadia ay may nanay na producer ng pelikula samantala ang ama naman niya ay manager sa isang casino sa bansang Amerika.

Heart Evangelista
Ang magandang may bahay ng pulitikong si Chiz Escudero ay galing sa Pamilyang Ongpauco na may-ari ng sikat na kainan na ‘Barrio Fiesta’ at ang kanyang mga pamilya ay nasa industrya din showbiz.



Solenn Heusaff
Ang ex-Survivor Philippines at aktres ay mula sa pamilya na may negosyo sa industriya ng petroleum. Ang kanyang lalakeng kapatid ay asawa ng Kapamilya Host na si Anne Curtis.

error: Content is protected !!