Connect with us

Entertainment

Mga Kasambahay o “Angels” ni Vice Ganda, Napaiyak at Natakot Matapos Masaksihan ang Kunwaring Pag-aaway nila ni Ion Perez

Kasabay ng umaarangkadang karera ng Unkabogable star na si Vice Ganda sa industriya ng showbiz, ay ang pagkakaroon rin niya ng makulay na love life sa piling ng kanyang karelasyon na si Ion Perez.

Bagama’t, marami nga ang tumaas ang kilay at humadlang sa kanilang relasyon, ay hindi naman nito nahadlangan ang matamis nilang pagmamahalan. Matapos ipaglaban ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa, ngayon nga, ay masayang nagsasama sina Vice at Ion sa bahay ni Vice.

Hindi naman maikakaila na talagang masaya at mahal na mahal nila ang isa’t isa, kung saan ay bibihira umanong mag-away. Kaya naman, sa latest vlog ni Vice, ay isang nakakatuwang video ang ibinahagi ng It’s Showtime host.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ito nga ay isang prank video kung saan ay kunwari silang nag-aaway sa harap ng mga kasambahay o “Angels” ni Vice. Dahil nga, hindi pa nakikita ng mga Angels ni Vice, kung paano sila mag-away ng malala ni Ion, ay naisip nila na iprank ang mga ito upang makita ang magiging reaksyon.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Upang hindi mahalata ang gagawing prank, ay inihanda nga ang mga hidden camera sa kitchen area. At upang mas kapanipaniwala ang bawat eksena ay talagang huhusayan nila ang pag-arte para maging matagumpay ang prank.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Mapapanood sa unang bahagi ng video, na magkasama sa hapagkainan sina Vice at Ion. Dito na nga nagsimula ang aktingan ng dalawa. Sa pag-aya nga ni Ion kay Vice na kumain na, ay nagsimula ang kunwaring pagtatalo nila. Hanggang sa pati ang mga kasambahay ay nadamay na matapos ipatawag ni Vice.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Humaba ng humaba na nga ang sagutan at pagtatalo nina Ion at Vice. At ang mga Angels ni Vice, ay tahimik lamang na nakikinig lamang sa kitchen area. Isa nga sa mga Angel na si Vangie, ay hindi mapakali sa sobrang takot. Maging ang ilan naman ay nagtago na lamang sa sulok.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Mas lumala nga ang kunwaring away nila ni Ion ng magreklamo si Ion na maalat ang pagkain. At si Vice nga ay bigla na lamang nagbato ng platito si Vice, kung saan ay talagang natakot at napaiyak pa ang kanyang mga Angels.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Ngunit, nang pagpasok ni Vice sa kitchen area, at makita ang reaksyon ng kanyang mga Angels na takot na takot sa sulok at nakitang umiiyak, ay doon na nga sinabi ni Vice na prank lamang ito. Dahil dito, ay mas lalo namang naiyak ang mga ito. At laking pasasalamat na hindi pala totoo na nag-aaway ang kanilang mga amo.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Niyakap naman ni Vice ang kanyang mga Angels upang humingi ng tawad sa pagprank sa mga ito. Ang makita nga ang reaksyon ng kanyang mga Angels, ay napatunayan ni Vice kung gaano sila kamahal ng kanyang mga kasambahay. Na kung saan, ay ayaw na nakikitang nag-aaway sila ni Ion.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa huling bahagi ng video, ay isang panayam ang ginawa sa mga Angels sa naging reaksyon ng mga ito. Bagama’t natakot at naiyak, ay laking pasasalamat nga ng mga ito na prank lamang ang kanilang nasaksihang away ng kanilang mga amo.

error: Content is protected !!