Connect with us

Stories

Mga Kaibigan at Kapwa Vlogger ng Yumaong si Lloyd Cadena, Nag-alay ng Isang Tribute Video para sa Pagdiriwang ng Kanyang Kaarawan

Ilang linggo na ang nakalipas magmula ng maghatid ng kalungkutan sa karamihan ang biglaang pagpanaw ng napakabuting tao at sikat na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena. Ang tinaguriang Kween LC sa mundo ng vlogging ay hindi maikakaila na nag-iwan ng masayang ala-ala sa ating mga puso at isipan. Kaya naman, kahit wala na siya sa mundong ibabaw, ang kanyang kabutihan at mga masasayang ngiti ay talagang mananatili sa ating mga puso.




Hindi naman maitatanggi na talagang napakabuting tao ni Kween LC, kaya naman, hindi rin mabilang sa dami ang taong nagmamahal sa kanya. At sa pagdiriwang nga ng kanyang ika-27th birthday, nito lamang ika-23 ng Setyembre, araw ng Miyerkules, ay nag-alay ng isang tribute video ang kanyang mga kaibigan at kapwa vlogger.

Sa YouTube Channel ng yumaong vlogger, mapapanood ang video na may nakakaantig at punong-puno ng emosyong mga mensahe mula sa mga kaibigan ni Lloyd, vlogger at ilan pang mga taong nagmamahal sa kanya.

Ilan sa mga nagbigay ng nakakaantig na mensahe sa yumaong Youtuber ay ang mga kilalang personalidad tulad nina Vice Ganda, Michelle Dy, Donnalyn Bartolome, siblings Ranz Kyle and Niana Guerrero, Zeinab Harake, Jelai Andres, Madam Kilay, DJ Kara at marami pang iba.

Naunang nagpahayag ng pagbati ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kay Kween LC na talaga namang mababakas sa bawat kataga at mensahe ang pagmamahal sa yumaong vlogger.

“Patuloy naming kikilalanin at patuloy ka naming aalalahanin, hindi ka namin kakalimutan. Ginagawa namin ‘to kasi namimiss ka namin. Namimiss ka namin kasi mahal na mahal ka namin.”

May mensahe rin ang kaibigan at nagsisilbing cameraman/driver ni Kween LC para sa kanyang kaarawan. Bagama’t, wala na ang kaibigan, hindi maikakaila na talagang namimiss niya ito dahil sa hindi nila matatawarang samahan.

“Siya ‘yung tao na nakilala ko na makikinig sayo without judgment. Siya rin ‘yung taong kilala ko na magrerescue sayo everytime na may problema ka.”

Ang bestfriend naman ni Lloyd na si Michelle Dy ay nagpaabot rin ng taos-pusong mensahe para sa mahal na kaibigan.




“’Yung reply ko sa last message mo sa akin, and that is I miss you too. We miss you dearly, and I love you so much.”

Ang mga kapitbahay naman ni Lloyd na kanyang napasaya at natulungan ay nagpaabot rin ng nakakaantig na mensahe na pawang kabutihan ng vlogger ang bukambibig.

“Ang bait mo at saka hindi ka madamot. Lahat lahat ng mga kapitbahay mo binibigyan mo. Paano na kami ngayon, Lloyd, malungkot kami.”

Sa huling bahagi ng video mapapanood ang pag-awit ni Lloyd ng kantang “Hanggang Dito Na Lang”. Tunay nga na sa dami ng taong nagmamahal kay Lloyd ay hindi maikakaila ang kanyang kabutihan, na nagsisilbing inspirasyon sa mga tulad niyang vlogger na bukod sa magbigay saya sa mga manonood, ay may maganda ring adhikaing makatulong sa kapwa sa kahit anumang paraan.

Matatandaan na pumanaw si Lloyd noong ika-4 ng Setyembre dahil sa heart attack at kalaunan nga ay nakumpirma na siya ay positibo sa sakit na COVID-19. At noong ika-5 ng Setyembre ay crenimate agad ang kanyang mga labi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lloyd Cafe Cadena (@lloydcafecadena) on

 

error: Content is protected !!