Connect with us

Entertainment

Mga Bahay Ng Mga Sikat Na Celebrities Sa Showbiz Na Ibinibenta Ngayon

Isa nga sa pinakamagandang maging investment ay ang real estate property. Kaya naman, marami sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang tagal naglalaan ng pera para makapagpundar ng bahay at lupa. Ang halaga ng bahay at lupa ay tumataas sa pagdaan ng panahon. At kapag dumating nga ang panahon na magpasya silang ibenta ang naipundar na bahay at lupa, ay tiyak na malaki ang magiging balik sa kanila.

Ating kilalanin ang mga kilalang personalidad sa showbiz na nagbebenta ngayon ng bahay na kanilang naipundar.

SEN. MANNY AND JINKEE PACQUIAO

Photo Credits to the Owner

Kasalukuyang ibinibenta ang bahay ng mag-asawang sina Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park. Ang napakaganda at napakalawak na mansiyon ng pamilya Pacquiao ay nasa listahan ng mga ibinibentang bahay s aPresello.com sa halagang P2,300,000,000. Matatandaan na noong August 2020 ay nasa halagang P1,500,000,000 lamang ito.

Ang “Zen-Inspired Luxury Mansion” na ito ng mag-asawa ay may kabuuang lawak na1 ,525 square meters. Ito ay may 5 bedrooms, 7 bathrooms, a newly renovated pool area, malawak na garden at marami pang ibang kagamitan. Tila nga maihahalintulad ang ganda nito sa isang five-star hotel. Taong 2011 nang mabili nila ang mansiyon sa halagang P388 million. At noong 2014, ay nagpasya na silang ibenta ito sa halagang P708 million dahil sa reklamo ng kanilang mga kapitbahay na hindi umano kaaya-aya sa paningin ang suot ng mga bisita ni Sen. Manny sa tuwing pupunta sa mansiyon.

JAMES REID

Photo Credits to the Owner

Photo Credits to the Owner

Matapos nga mapabalita ang paghihiwalay ng aktor na si James Reid sa dati nitong nobya na si Nadine Lustre, ay agad namang isinapubliko ng aktor na ibinibenta na niya ang kanyang bahay na naging love nest nila sa Quezon City. Hanggang ngayon ay hindi pa ito nabibili, at matatandaan nga na noong nakaraang buwan ng Oktubre, ay ibinahagi ni James sa social media ang mga larawan ng bahagi ng bahay at sinabing wala pang bumibili dito. Ang bahay na ito ni James ay ibinibenta sa halagang P82 million. Ito ay matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Katipunan at may sukat na 1000 square meter. Ito ay 3 tatlong palapag na bahay na may 7 bedrooms, 2 kitchens, at six-car garage.

ZSAZSA PADILLA AND CONRAD ONGLAO

Photo Credits to the Owner

Photo Credits to the Owner

Sa isang luxury marketplace para real-estate properties ay makikita na kasama sa listahan ng mga bebenta ng bahay ay si Zsazsa Padilla at partner nitong si Conrad Onglao sa halagang USD6,682,425 o P335,725,032 sa jamesedition.com. Ito ay matatagpuan sa village sa San Lorenzo sa Makati City. Ang 3 storey house na ito ay may sukat na 1,386 sqm kung saan ay may 4 bedrooms at 4 rest rooms.

ENRIQUE GIL

Photo Credits to the Owner

Photo Credits to the Owner

Sa halagang P80 million namang ibinibenta ni Enrique Gil ang 5-storey beach house na matatagpuan sa Anilao, Batangas.

error: Content is protected !!