Connect with us

Entertainment

Meryll Soriano, Ipinasilip ng Napakaganda at Napakalinis na Yate ng Kanyang Amang si Willie Revillame sa Puerto Galera

Sa latest vlog na ibinahagi ni Meryll Soriano sa kanyang YouTube Channel nito lamang ika-4 ng Hulyo, ay ipinasilip niya ang napakaganda at napakalinis na yate ng kanyang amang si Willie Revillame sa Puerto Galera.

Sa part 2 ng episode ng vlog ni Meryll sa kanilang bakasyon sa Puerto Galera para ipagdiwang ang Father’s day, ay ipinasilip niya ang masayang bonding ng kanilang pamilya. At maliban nga dito, ay ipinasilip rin ng aktres ang napakagandang private beach resort ng kanyang ama. Ipinasilip rin niya ang yate ng kanyang ama kung saan nga ito madalas mag-isip at magpahinga.

Kasama ang kanyang mga kapatid na sina Marimonte, 18 taong gulang at Juamee, 15 taong, ay ipinasyal nina Meryll ang kanilang mga viewers sa napakaganda at napakalinis na yate ng kanilang amang si Willie sa Puert Galera.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Ang yateng ito ni Willie ay two-decker kung saan ay may lounge areas sa unahan at likurang bahagi nito. Ayon naman kay Juamee, ay halos isang dekada na nga ito kung kaya’t may ilang bahagi na pinalitan na at ito nga ngayon ay bagong renovate lang.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Sa pinaka-main cabin naman ay walang umano ipasok ang tsinela o sapatos at bawal ring kumain dito. Ito nga ay dahil nais talaga ni Willie na malinis ang bawat area ng kanyang yate. May nakalaan namang dining area, kapag nais naman nilang kumain o magmeryenda.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Ipinasilip rin ng magkakapatid ang kitchen kung saan nga inihahanda ang masasarap na pagkain. Makikita naman sa loob ng yate na talagang malinis ito, at malawak kaya naman tiyak na makakapagrelaks at magiging komportable ang nais magpahinga rito.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Sa hagdan naman pababa ay matatagpuan ang 5 bedrooms na may sariling mga toilet at bathroom. Ang master’s bedroom nga, ay silid kung saan natutulog si Willie at makikita naman talaga dito ang kaayusan at sadyang napakalinis. Ayon naman kay Meryll, ay mahalaga na may sariling lugar ang kanyang ama para makapag-isip sa kanyang trabaho.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Samantala, matapos naman ang kanilang maikling tour sa loob ng yate, ay nagtungo sila sa labas, upang ibahagi naman kung gaano sila kaproud sa kanilang ama. Bilang mga anak nga ni Willie, hindi naman sa nagmamayabang sila ngunit talagang proud lang sila sa narating ng kanilang ama dahil na rin sa kasipagan at pagsusumikap nito sa buhay. At para nga sa magkakapatid, ay nagsisilbi ring inspirasyon si Willie sa kanila kung saan ay marami rin silang mga bagay na natutunan sa buhay.

Photo credits: Meryll Soriano | Youtube

Sa huling bahagi naman ng video ay mapapanood ang masayang bonding ng kanilang pamilya. At sa pagkakataon ngang ito, ay kasama na ni Meryll si Joem Bascon, ang ama ng kanyang anak. Makikita rin ang masayang bonding ng pangalawang anak ni Meryll at lolo nitong si Willie na talaga namang enjoy na enjoy habang naliligo sa pool.

error: Content is protected !!