Connect with us

Entertainment

Meryll Soriano, Ipinakita na sa Publiko ang Mukha ng Napakacute nilang Anak ng kanyang Partner na si Joem Bascon

Matapos gulatin ang publiko sa kanyang rebelasyon na pagkakaroon ng anak, sa kasintahang si Joem Bascon, ay unti-unti na ngang binubuksan ni Meryll Soriano ang kanyang buhay sa publiko.




Matatandaan na noong pagdiriwang ng New Year, ay isang pasabog ang ibinunyag ni Meryll matapos magbahagi ng larawan ng “family photo”, kung saan makikita ang kasintahang si Joem, 13 taong gulang niyang anak na si Elijah, at siya na kalong ang isang bagong silang na sanggol. Inamin rin ni Meryll na muli nga silang nagkabalikan ni Joem, at ngayon nga ay may anak na sila.

Photo credits: Meryl Soriano | IG

Bagama’t, walang ibinigay na detalye kung kailan nanganak, maging kung ano ang pangalan ng kanilang anak ni Joem, ay patuloy pa rin ang pagbibigay niya ng update patungkol sa kanilang buhay.

Photo credits: Meryl Soriano | IG

Madalas na ngang magbahagi si Meryll ng larawan ng kanilang pamilya at kanyang motherhood journey sa Instagram. Ngunit, mapapansin sa mga larawan, na palaging tagilid, nakadapa o nakatalikod sa camera ang mukha ng kanyang anak. Tila nga, hindi pa handa si Meryll na ilantad sa publiko ang mukha ng kanyang anak.

At nito lamang ngang ika-5 ng Marso, ay proud na ibinahagi ni Meryll ang mukha ng kanyang napakacute na baby boy. Sa larawan na ibinahagi ni Meryll, makikita na nakasuot ito ng marigold na damit, habang nakahiga sa kumot na may disenyo ng mga drawing na gatas. Makikita na napakacute tingnan ang inosente nitong mukha. Kapansin-pansin rin ang matangos nitong ilong na namana sa kanyang mga magulang.

Nilakipan naman ito ni Meryll ng simpleng caption na:

“Milk-u Monsteru”

Samantala, nito lamang nakaraang buwan ng Enero, ay inamin ni Meryll na plinano nila ni Joem ang kanyang pagbubuntis. Matatandaan naman na unang nagkrus ang landas nina Meryll at Joem noong 2010 at naging magkarelasyon ng isang taon. Ngunit, matapos nga ang isang taong relasyon ay nauwi rin ito sa hiwalayan.




Photo credits: Meryl Soriano | IG

Ayon naman sa ilang ulat, ay muling bumalik ang pagmamahal sa isa’t isa nina Meryll at Joem nang magkasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang Culion noong 2019. Dahil nga dito, ay muling nagkabalikan ang dalawa, kung saan ay ginulat na lang ang publiko sa pagkakaroon nila ng anak.

error: Content is protected !!