Connect with us

Entertainment

“Meron akong Pagsisisi”: Claudine Barretto, Inamin na Mahal Parin ang Dating Boyfriend na si Rico Yan, at May Pagsisisi sa Kinahantungan ng kanilang Relasyon

Marami ang pinakilig ng tambalan ng aktres na si Claudine Barretto at yumaong aktor na si Rico Yan kung saan ay talagang tumatak sa puso’t isipan ng mga manonood. Naghatid ng saya at tuwa ang magkasintahan hindi lamang nga on-screen kundi maging sa totoong buhay. Ngunit ang lahat ng ito ay magwakas matapos ang biglaang pagpanaw ni Rico Yan.




Mahabang panahon na ang lumipas magmula ng pumanaw ang yumaong aktor, ngunit ang masayang alaala at presensiya nito, ay nananatili kay Claudine na tila ba hindi ito nawalay sa aktor.

At kamakailan nga, ay naging tapat ang mga naging kasagutan ni Claudine kaugnay sa kanyang nararamdam sa relasyon nila ng dating nobyo. Sa vlog ng kanyang kaibigan na si Janelle Jamer, ay sinagot ni Claudine ang mga katanungan ng mga netizens. Isa na nga rito ang tanong kung bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kahit matagal nang wala ang aktor.

“Bakit hanggang ngayon, sobrang apektado ka pa rin kay Rico Yan? Dahil ba mahal mo pa siya o merong parte sa puso mo na meron kang parang pagsisisi?,”tanong ng netizen.

Walang pag-aalinlangan nga ang naging kasagutan ni Claudine. Pag-amin ng aktres, ay mahal parin niya ang dating kasintahan kahit na matagal na itong wala sa mundo. Na ayon pa rito, ay hindi nawala ang kanyang pagmamahal at mas lalo pang lumabas ang tunay niyang naramdaman sa pagkawala nito.

“I think both. Both, oo, mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala ‘yun. I think hindi nawawalan yung ‘pag namatay ‘yung tao nawawala na din yung pagmamahal mo. Kahit na hindi na kami, nandoon pa rin, lalo pa yata na… Lalo pa yata lumalabas kung ano pa ‘yung nararamdaman mo towards the person kung wala na ‘yung tao.”

Ibinahagi rin ni Claudine na may pagsisisi siya sa kinahantungan ng kanilang relasyon, na sana raw ay nakapiling niya ng mas mahabang panahon si Rico. At isa nga sa talagang pinagsisihan ni Claudine, ay ang mga panahon umanong wala siya sa tabi ni Rico kung saan, dapat sana ay napigilan niya ang hindi inaasahang pagpanaw nito.




“Yes, meron akong pagsisisi na siyempre na sana mas matagal ko siyang nakasama. Sana nandoon ako noong nangyari ‘yung mga dapat sana hindi nangyari. So yun.”

Sa huli ay dinamayan at pinalakas ni Janelle ang loob ni Claudine. Saad nga nito sa kaibigan, ang nangyari kay Rico ay itinakda ng tadhana. At ang bagay na ito, ay nangyari upang maging mas matatag pa siya sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay.

error: Content is protected !!