Connect with us

Entertainment

Meme Vice Ganda, Mabilis Natuto Magpatakbo ng Scooter Matapos Turuan ng kanyang Boyfriend na si Ion Perez

Dahil nga, matagal tagal na ring namamalagi sa loob ng kanyang tahanan si Vice Ganda kasama ang kanyang partner na si Ion Perez, ay tanging vlogging ang kanilang pinagkakaabalahan upang makapaghatid ng update sa kanilang mga tagahanga.

Sa latest vlog nga na mapapanood sa Youtube Channel ni Vice, ay isang nakakatuwang video at puno lambingang scooter tutorial ang hatid ng dalawa.

Sa unang bahagi ng video, ay mapapanood na nagpapahinga si Ion nang ayain ito ni Vice na turuan siyang magmaneho ng scooter. Agad namang pumayag si Ion sa nais ni Vice. Una nga ay sa loob ng bahay sila nag-practice. May isinuot ring protective gear si Ion kay Vice.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sinabi ni Vice sa kanyang vlog na gusto niyang bumili ng Vespa scooter dahil ito’y nakakabata umano. Ngunit, ang problema nga lang ay hindi siya marunong magpatakbo ng scooter. Kaya naman, pinayuhan siya ni Ion na subukan munang magpaandar ng electric scooter bago bumili ng Vespa scooter. Dito na nga humantong ang dalawa sa scooter tutorial.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Una ay medyo nag-aalangan pa si Vice na sa loob sila ng bahay magpractice dahil baka makabasag sila. Ngunit, nang tiyakin ni Ion na sasaluhin at hahabulin si Vice, ay nakumbinsi rin ito.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa pagsisimula ay nahihirapan pa si Vice sa pagmaniubra ng scooter, may dalang takot na baka mabangga o makabasag ng kagamitan. Ngunit, dahil nga sa tulong at pagpupursige ni Ion na maturuan niya agad ng tama si Vice ay agad ngang natuto ang komedyante.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Kapansin-pansin naman ang paglalambing ni Vice kay Ion habang tinuturuan siyang matuto sa pagpapatakbo ng scooter. At makikita naman na sinasabayan ni Ion ang bawat banat ni Vice na naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Tila epektibo naman ang turo ni Ion sa kanyang mahal dahil matapos lamang ang ilang sandali ay hindi na niya ito inaalalayan. At nang marunong ngang magpatakbo si Vice ay nagpasya na silang lumabas sa malaki na bahagi ng bahay upang doon pag-aralang mabuti ni Vice ang scooter. Sa labas nga ay talagang makikita na marunong na rin ng paliko, at kahit pa pataas at pababang direksyon si Vice sa pagpapatakbo ng scooter.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa huli nga, ay laking pasasalamat ni Vice na tinuruan siya ng kanyang coach na si Ion kung paano ang pagpapatakbo ng scooter. Sa isa namang matamis na ‘I love you’ at mahigpit na yakap natapos ang kanilang scooter tutorial.

error: Content is protected !!