Connect with us

Entertainment

Melissa Ricks, Sinurpresa ang Kanyang Anak na si Keira ng DIY Unicorn Themed Party sa ika-6 na Kaarawan nito

Hindi madali ang tungkulin ng isang ina pagdating sa pag-aalaga ng mga anak. Ngunit, hindi lamang natatapos sa pag-aalaga at pagpapalaki ng mga bata ang responsibilidad ng isang ina. Dahil kasabay nito, ang mabigyan ng kaligayahan at mapasaya ang mga anak habang sila’y nabubuhay.

Hindi nga matatawaran ang pagmamahal ng isang ina tulad na lamang nga ng aktres na si Melissa Ricks na mahal na mahal ang kanyang anak. At upang mapasaya ang kanyang anak na si Keira, ay sinurpresa niya ito ng DIY Unicorn-themed birthday party sa kanilang tahanan na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.




Bagama’t, nakakaranas pa rin ang karamihan ng hirap dahil sa pandemya, ay hindi naman ito dahilan upang magkaroon ng munting selebrasyon ang bawat isa sa atin sa tuwing may okasyon. Kaya naman, noong ika-12 ng Enero, araw ng Martes, ay masayang ipinagdiwang ng anak ni Melissa na si Keira ang ika-6 na taong kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09)

Ginanap ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Keira sa Batangas, kung saan naninirahan silang mag-ina kasama ang non-showbiz boyfriend ni Melissa na si Michael Macatangay, na matatandaang nag-proposed noong nakaraang taon sa aktres.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Melissa ang naging kaganapan sa masayang pagdiriwang. Makikita nga na napakaganda ng venue, na kung saan ay talagang pinaghandaang mabuti. Makikita rito ang isang inflatable playground kagaya noong nakaraang birthday party. Nakatwinning outfit rin ang mag-inang Melissa at Keira sa nasabing birthday party.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09)

Binati rin ni Melissa ang kanyang anak sa Instagram kung saan tinawag niya itong “God’s gift”.

“Happiest Birthday to my little sunshine, God’s gift. Happiest Birthday Kiera Kelly, all grown up, happy 6th Birthday!🥳 .”




Masisilayan naman sa mukha ni Kiera ang labis na kaligayahan sa surpresang handog ng kanyang ina. Hindi maikakaila na nagustuhan nito, ang DIY unicorn-themed party na inihanda ng kanyang Mommya Melissa sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09)

Si Keira ay anak ni Melissa sa dating partner na si Charles Togezaki, na kung saan ay natapos ang relasyon ng dalawa noong 2015. At ngayon nga, ay engaged na si Melissa sa kanyang fiancee na si Michael. Matatandaan na noong nakaraang taon, Agosto 29, nang surpresahin ni Michael si Melissa ng intimate proposal sa harap ng kanilang pamilya, at malalapit na kaibigan na ginanap sa Sto. Rosario Batangas.

error: Content is protected !!