Connect with us

Entertainment

Melai Cantiveros, Sinurpresa ang Kanyang Asawang si Jason Francisco ng Isang Bagong Sasakyan na Matagal na nitong Pangarap

Ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros at asawa nitong si Jason Francisco, ay nagkakilala sa loob ng “Bahay ni Kuya” sa programa ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother noong 2009. Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, ay nabuo ang kanilang pagtitinginan at nauwi ito kasalan noong 2013. Ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan naman ng dalawang anak.




Hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ni Melai ang kanyang asawa. At sa pagdiriwang nga ng kapaskuhan, ay sinurpresa niya ito ng isang bagong sasakyan bilang Christmas gift.

At kamakailan nga, sa pinakabagong vlog na mapapanood sa Youtube channel ng TV host, ibinahagi niya ang naging kaganapan sa ginawa niyang surpresa sa kanyang mister.

Photo credits: Melason Official Youtube 

Makikita sa unang bahagi ng video, na lulan ang mag-asawa ng sasakyan patungo sa clinic ni Dra. Vicki Belo. Habang nasa biyahe ay tinanong ni Melai si Jason kung ano ang gusto nitong Christmas gift.

Paulit-ulit naman ang naging kasagutan ni Jason, at sinabi na aso ang nais niyang matanggap.

“Small na aso, medium na aso, at large na aso,”saad ni Jason.

Tila naman nag-iisip pa si Jason kung ano talaga ang nais niya nang muli siyang tanungin ni Melai. Maya-maya nga ay, sinabi nito na nais niyang mag-travel. Ngunit, pag-amin ni Jason, ay ayaw niyang binibigyan siya ng regalo dahil mas gusto niya na siya ang nagbibigay.

Aniya,“Gusto ko ako ang nagbibigay ng gift, ‘di ako ang binibigyan.”

Photo credits: Melason Official Youtube 

Samantala, matapos maihatid si Melai sa clinic ni Dra. Vicki Belo, ay agad na umuwi sa kanilang tahanan si Jason. Lingid naman sa kaalaman ni Jason, ay hindi sa Belo ang talagang pakay ng kanyang misis, kundi ay upang bumili ng dream car niya.

“Matagal na niya ‘tong pinangarap at ang color na ‘to ay the best for him so I’m sure na magugustuhan niya ‘to,” saad ni Melai.

Photo credits: Melason Official Youtube 

At nang mabili na nga ang napakagandang sasakyan, ay umuwi na si Melai. Sa pag-abot ng susi ng sasakyan kay Jason, ay tila may ideya na ito sa plano ni Melai, ngunit di pa umano siya sigurado kung tama ba ang kanyang hinala.




Nang tanungin naman ni Melai si Jason, kung ano ang kanyang nararamdaman matapos matanggap ang pinapangarap na sasakyan, ay naging speechless ito at tanging “wala akong masabi” ang naging kasagutan.

“Kaya pala si Ate Lulu kunwari kinukuhanan ng video ‘yung daga. Kaya ako nagtataka bakit nakaharap sa akin ‘yung camera,”saad ni Jason.

Photo credits: Melason Official Youtube 

Naging masaya naman si Melai sa kinalabasan ng kanyang surpresa sa kanyang asawa at biniro pa nito si Jason.

“Kung akala mo [lang] … babayaran mo ‘yan monthly.”

Photo credits: Melason Official Youtube 

Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Melai, upang depensahan si Jason sa mga nagsasabing wala umano itong naging reaksyon sa ginawa niyang surpresa para rito.

“True blooded MelasonFans, kilala nyo po si Jason at alam nyong ganyan siya. ‘Wag na po hanapin ‘yung pang camera na reaction na surprise heheh. Na surprise naman talaga sya at masayang masaya.”

error: Content is protected !!