Connect with us

Entertainment

Melai Cantiveros, May Naging Rebelasyon sa Relasyon Nila ng Asawang si Jason Francisco

Isa sa mga hindi malilimutang kwento ng pag-iibigan na nagpakilig sa maraming manonood noon at nagsimula sa loob ng Pinoy Big Brother house ay ang “love story” ng ngayon ay mag-asawa ng sina Melai Cantiveros at Jason Franncisco.

Matatandaan nga na sina Jason at Melai, ay nagkakilala sa loob ng PBB house, kung saan sa umpisa, ay talaga namang hindi nila gusto ang isa’t isa, dahil ang unang naging crush ni Melai noon ay ang housemates na si Paul Jake Castilo, na ipinaglalaba pa nga nito ng damit.




Inamin naman noon ni Jason, na noong una ay talaga wala siyang interes kay Melai, at ang kanyang mga mata, ay talagang nakatuon lamang sa iba pang mga babaeng housemates na kanilang kasama sa PBB house.
Ngunit ng maging malapit nga ang dalawa, at magkakilala na ng lubusan, ay doon na nga mas naging magaan ang damdamin nila sa isa’t isa, hanggang sa sila nga ay kakiligan na ng mga manonood ng nasabing progarama.
Samantala, sa ngayon, ay mag-asawa na nga sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa totoong buhay, at ang kanilang 6-taong pagsasama bilang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang magagandang anak na babae.

Photo credits: Melai Cantiveros | Instagram

Bilang mga magulang, ay sinisigurado ng mag-asawa, na ang kanilang mga anak, ay napapalaki nila ng may tamang pagdidisiplina, at higit sa lahat ay mapapalaki nila sa tulong ng gabay ng Diyos na lumikha. Proud din ang mag-asawang Melai at Jason, na makitang lumalaki ang kanilang mga anak, na bibo at matatalino, lalo na’t mahuhusay itong magsalita ng Ingles, kung saan ay malaking tulong umano rito ang napapanonood ng mga ito ng mga foreign children shows. Magkagayunman, ay itinuturo pa rin nina Melai at Jason sa kanilang mga anak, ang salitang Pinoy, at maging ang pagsasalita ng bisaya.

Kung babalikan naman natin ang buhay mag-asawa nina Melai at Jason, ay matatandaan na minsan na ring dumaan sa pagsubok ang relasyon ng mag-asawa.

Photo credits: Melai Cantiveros | Instagram

Taong 2015, ay lumabas ang balita na naghiwalay ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, ito ay dahil umano sa hindi nasiyahan si Jason sa naging “team-up” ni Melai sa aktor na si carlo Aquino sa isang teleserye na kinabilangan nito.




Ayon nga kay Jason, iba ang tingin niya sa babae kapag ito ay kasal na, kaya naman matapos ang naturang insidente at ng magkaayos sila ni Melai, ay napagkasunduan nila na hindi na sila makikipag-love team.

“Iba kasi ang pagtingin ko sa babae lalo na kung may asawa na. Sabihin na natin na kayo ay love team pero ‘yung mga pisikal na bagay na ginagawa n’yo, para sa akin hindi maganda”,

ang naging pahayag nga noon ni Jason.

Sa naging pangyayari ring ito, ay mas natutunan na ng mag-asawa kung paano nila iha-handle ang mga hindi nila pagkakaintidihan sa isa’t isa.

Photo credits: Melai Cantiveros | Instagram

Sa kabilang banda naman, sa naging panayam nga sa mag-asawa noon sa Tonight With Boy Abunda, kung saan ay sumailalim sila sa Fast Talk segment ni Tito Boy ay sinabi ni Melai, na sa relasyon nilang mag-asawa ngayon, ay mas pinapakilig pa siya nito araw-araw. Ibinunyag rin ng actress-host, na ang babaeng huli niyang pinagselosan ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi, dahil tulad ng ibang mga kalalakihan ay humanga rin ang kanyang asawa sa taglay na kagandahan at kaseksihan nito.

Para naman kay Jason, ay talagang kaligayahan ang laging hatid sa kanya ng asawa, ngunit ayaw niya lang umano rito ay ang ginagawa nitong pag “nose-picking.”

error: Content is protected !!