Connect with us

Entertainment

Melai Cantiveros, Inamin na Pangarap Noon ang Makapag-abroad at Makapag-asawa ng Matandang Amerikano Para Maiahon ang Pamilya sa Kahirapan

Diretsahang inamin ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na wala talaga sa plano niya ang pumasok sa showbiz at maging isang artista. Ito nga ay dahil ang talagang pangarap niya sa buhay noon ay makapag-abroad para kumita ng malaki at makapag-asawa ng matandang Amerikano para lang mabago at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Ngunit, taliwas sa pangarap niya noon, ay isa nang matagumpay na aktres, komedyante at TV host si Melai sa industriya ng showbiz ngayon. Magmula nang magwaging Big Winner sa reality talent competition na Pinoy Big Brother: Double Up, ay hindi maikakaila na malayo na ang narating ng tagumpay ni Melai.

Photo credits: google.com

Maliban nga sa morning talk show sa ABS-CBN na Magandang Buhay, ay umaarangkada rin ang kanyang karera na ngayon ay may bagong pelikula. Ito nga ang comedy film na “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin”, kung saan makakasama niya ang kanyang mga co-host sa Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal at Karla Estrada.

Photo credits: google.com

Samantala, nang makapanayam si Melai para sa nasabing pelikula ay ibinahagi niya na hindi madali ang kanilang pinagdaanan sa lock in taping. Ngunit, dahil nga kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho ay kailangan nilang lampasan ng anumang pagsubok para lamang maghatid ng saya sa kanilang mga tagahanga.

Kwento pa ni Melai, ay pumayag rin siya na magkaroon sila ng “bedroom scene” ng kanyang asawang si Jason Francisco, dahil asawa niya naman ito. At ang talagang nais lamang niya, ay nakapagbigay ng saya at tuwa sa mga manonood, lalo na nga’t isa ring komedyante ang kanyang asawa.

Photo credits: google.com

Hindi naman maitatanggi na nadala si Melai sa ginampanan niyang karakter sa pelikula. Ayon nga rito, tulad ng karakter niya na si Mylene, ay isa rin siyang abalang tao na minsan ay nawawalan ng oras sa pamilya. Ngunit, dahil nga wala pang anak si Mylene sa pelikula, ang pagkakapareho raw nila ay ang pag-una nila sa kanilang mga pangarap.

“Pero si Mylene kasi wala pa siyang mga anak doon. Minsan inuuna mo yung pangarap mo kasi di ba, gusto niya maging vlogger din talaga so parang ganu’n din ako na charge while the iron is hot. Minsan kailangan mo rin talaga i-balance kasi ang asawa mo nangangailangan din ng time so similar din siya.”

Photo credits: google.com

Dito nga, ay naikwento ni Melai, na noong naninirahan pa sila sa General Santos City ay iba ang plano niya sa buhay at wala talaga sa plano niya ang mag-artista.

“Yung unang-una kong plano nung hindi pa ako nag-artista kasi yung plano ko hindi naman talaga mag-artista.“

Pag-amin nga ni Melai, bago pa man siya maging isang sikat na artista at TV host sa showbiz, ang talagang pangarap at plano niya sa buhay ay mag-abroad at makahanap ng mapapangasawang matandang Amerikano para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Nilinaw naman ni Melai na ito na ang tumatak sa utak niya noon dahil nga nakatira sila sa probinsiya.

Photo credits: google.com

“Bago ako mag-artista ang plano ko mag-abroad ako at mag-asawa ng Amerikano na matanda. Kasi di ba parang yun yung sinasabi sa mga probinsya na parang du’n na na-stuck yung utak ko na para maahon ang pamilya sa kahirapan.”

“So parang gusto mo na makita ang abroad. Somehow yun din ang pangarap ko,”

Sa kabila naman ng nararanasang hirap at mga negatibong bagay na nararanasan dahil sa pandemya, ay nananatiling positibo ang kaisipan ni Melai. Sinabi nga ng aktres na marami ring magaganda at positibong dulot sa pamilya nila ni Jason ang pandemya.

error: Content is protected !!