Megastar Sharon Cuneta, Lubos na Ipinagmalaki ang Kanyang Anak na Lalaki na Isang US Army

Si Sharon Gamboa Cuneta Pangilinan o mas nakilala ng karamihan bilang Sharon Cuneta ay isang sikat na aktres sa ating bansa.  Nakilala rin sya sa paghohost,pagkanta at pag-eendorso ng iba’t ibang produkto. Siya ay 54 taong gulang at mas kilala rin sa loob at labas ng bansa bilang “Megastar” ng showbiz dahil narin sa dami ng mga napanalunang karangalan magmula noong siya’y bata at hanggang ngayong siya’y may sariling pamilya na.

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram

Si Gabby Concepcion na isang heartthrob ng Regal Films noong dekada otyenta ay naging kapareha nya sa mga pelikula.Kung saan naging matagumpay at pinakasikat ang kanilang pagsasama sa mga pelikula noong nasabing panahon. Hindi nagtagal ay nagpakasal sila noong Setyempre 1984,kung saan kinuha nila ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos bilang Ninong. Kalaunan,nagbunga ang kanilang pagmamahalan at isinilang noong Abril 1985 ang kanilang panganay na isa ng aktres ngayon na si KC Concepcion.

Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang kanilang kasal ay na-annulled noong 1993 sa dahil pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan at kasong bigamy sa kanyang asawa dahil ito ay naikasal pala sa iba bago pa man siya pakasalan nito. Kaya naman naging legal na ang kanilang paghihiwalay.

Pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ay nakilala naman nya si Senador “Kiko” Pangilinan sa kasal ng kanyang kapatid. Nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa noong taong 1994 at nauwi sa kasalan noong taong Abril 28,1996. Noong taong 1997 naman ay nagtungo sina Sharon at kanyang asawa kasama ang kanyang anak na si KC sa Boston.

Dito nya tinapos ang kanyang pag-aaral sa larangan ng pagnenegosyo. Samantalang ang kanyang asawa ay tinapos naman ang pag-aaral sa Harvard University. Nagkaroon sila ng dalawang supling at isang ampon na anak na lalaki. Ang panganay naman na si KC ay legal nang naaring anak ni Senador Pangilinan.

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram
Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram
Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram

Nitong nakaraan lamang ay nagpost siya sakanyang social media account tungkol sakanyang anak na lalaki, na namimiss na nya ito at bumisita sakanya matapos ang ilang taon. Sa kanyang instagram account ay pinangalanan nya itong si Christopher Quirino Cuneta na umanoy anak pala ng kanyang kapatid.

Si Curtis ay pang apat sa anim na magkakapatid at meron ding stepdaughter ang kanyang kapatid. Nilinaw ng Megastar sa kanyang pahayag na noon pa mang 4 na buwan pa lamang ito ay itinuring na nyang parang tunay na anak. Ang pamangkin nyang ito ay ipinanganak sa United States noong 1993.

Makalipas ang ilang taon ay bumisita sa Manila si Curtis kasama ang kanyang napakagandang asawa na si Korinne. Noon pa man ay “Mama” na ang tawag ni Curtis kay Sharon na talaga namang pinaparamdam ang pagmamahal nito sakanya. Kahit nasa malayo, hindi ito nakakalimot tumawag at makipag-usap upang iparamdam ang pagmamahal sakanya sa pamamagitan ng videocall matapos nitong makabalik sa States at maging sundalo.

Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram
Photo Credit: Sharon Cuneta Instagram

Si Curtis ay mayroon ding nakababatang kapatid na kung saan ay pansamantalang naninirahan sa pamilya ni Sharon. At itinuturing nya narin itong isang tunay na anak.

Ang beteranong Aktres at singer ay masayang masaya sa piling ng 3 anak na babae at 3 anak na lalaki na talaga nga namang mga mapagmahal na anak.