Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Proud na Ipinakita ang Malaking Pagbabago sa kanyang Figure sa Suot na Swimsuit

Ilang araw bago sumapit ang 55 taong kaarawan ngayong taon ng tinaguriang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta, ay nagtungo ang primyadong aktres sa isa sa mga paborito niyang lugar upang magbakasyon at mag-relax.




At noong ika-4 ng Enero nga, ay proud na ibinahagi ng Megastar ang kanyang larawan kung saan masisilayan ang malaking pagbabago sa kanyang figure sa suot niyang swimsuit habang nagkaposing sa pool. Makikita nga na malaki ang nabawas sa timbang ni Sharon, at sa suot na swimsuit ay makikita na talagang sumeksi ito.

Photo credits: reallysharoncuneta | IG

Ibinahagi rin ni Sharon sa kanyang Instagram account, ang kanyang journey sa pagbabawas ng timbang sa loob ng maraming taon. Hindi nga naging madali ang pinagdaanan ng Megastar upang unti-unting manumbalik ang kurba ng kanyang katawan.

Ayon nga rito, ngayon ay size 10 na ang kanyang swimsuit na kung saan ay hindi niya nakamit ng maraming taon.

“Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore.”

Dahil nga, nagawa niyang pumayat matapos ang maraming taon, ay ganun na lamang ang kanyang pasasalamat.

Please pray for me. Then WATCH ME. Hah! Thank You Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses – now it’s even been helping me lose weight! Nyahaha! Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages.”

Matatandaan na mula pa taong 2016, ay idinodokyumentaryo na ni Sharon ang kanyang weight loss journey na kung saan ay nakapagbawas na siya sa kanyang timbang ng halos 60-80lbs sa loob ng apat na taon. Hindi man madali ang kanyang pinagdaanan sa pagbabawas ng timbang, ay mas lalo namang nagiging determinado ang Megastar.

At ngayon nga, na nagawa niyang ibalik sa size 10 ang kanyang swimsuit, ay masasabi na nagbunga ang lahat ng kanyang pagsisikap at pagtatyaga upang makamit ang kanyang goal. Dahil nga, size 10 na, ay mas lalo pang naging positibo at naging determinado ang Megastar na abotin ang size 6.

 

error: Content is protected !!