Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Pinasaya ang Kanyang mga Kasambahay Matapos Pagsilbihan at Ibigay ang Kanilang Christmas Bonus

Tuwing sasapit ang kapaskuhan ay talagang damang-dama ng bawat isa ang diwa ng pagbibigayan at pagmamahalan. Hindi naman natin maikakaila na masaya tayo sa tuwing nakakatanggap ng regalo, o kahit pa maliit na bagay mula sa mga taong nagmamahal sa atin.

At kamakailan nga, ay pinasaya ng tinaguriang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta, ang lahat ng kanyang kasambahay matapos niyang bigyan ng Christmas bonus.

Malaki ang pasasalamat ng Megastar sa kanyang mga kasambahay, sapagkat ang mga ito ang naglilinis ng bahay, nagluluto, nag-aalaga sa kanyang mga anak, at nag-aasikaso ng mga bagay sa loob ng kanilang tahanan. Kaya naman, hindi na iba ang turing ni Sharon sa mga ito, kundi para na ring miyembro ng kanilang pamilya.

“Our loves – our household staff who take care of us, cook our food, whom we trust with our lives and things and homes, who serve us with love and malasakit. Thank you sa inyong lahat! We love you our AngelYayas!,”pahayag ni Sharon.

At ngayong pasko nga, ay pinakahihintay na Christmas bonus ng kanyang mga kasambahay ay ipinagkaloob na niya. Ito ay bilang pasasalamat sa kasipagan at sakripisyo ng kanyang mga kasambahay na inilalaan ng mga ito sa kanyang pamilya.

Bukod naman sa pagiging isang sikat na celebrity sa showbiz, at ilaw ng tahanan, ay isa ring mabuting amo si Sharon sa kanyang mga kasambahay. Makikita nga sa video na ibinahagi ng Megastar sa Instagram, na talagang pinaghandaan nito ang espesyal na araw para sa kanyang mga kasambahay. Maliban kasi sa Christmas bonus na nakasilid sa brown na sobre, ay naghanda rin ang Megastar ng isang masarap na salo-salo para sa mga ito.

Hindi nga maikakaila na ngayong kapaskuhan ay hindi nakalimutan ng Megastar ang kanyang responsibilidad bilang amo sa kanyang mga kasambahay. Ang makatanggap nga ng bonus, ay malaking bagay na para sa mga ito, upang matulungan ang kanilang pamilya.

Labis nga ang pasasalamat ng mga kasambahay sa kabutihan ng kanilang amo at sila’y biniyayaan ng bonus ngayong pasko. Talagang merry ang Christmas ng mga ito, at sila’y napakapalad sa pagkakaroon ng amo na tulad ni Sharon.

Dahil sa kabutihan ni Sharon, ay maraming netizens ang natuwa at hinangad rin na maging kasambahay niya. Narito ang mga naging komento ng mga netizens:

“Baka pwede pa po mag apply ?? Hahahaha merry Christmas po! ?”
“Pangarap ko maging Yaya, yaya ni Sharon Cuneta”
“Sana all may pa bonus ?”
“Such a generous soul ?

error: Content is protected !!