Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Ipinasilip ang Kanyang Glassware Collection Sa Part 2 ng Kanyang Condo Tour

Marami ang natuwa sa kanyang mga tagahanga matapos ipasilip ni Megastar Sharon Cuneta ang loob ng kanyang condo unit kung saan ay nasilayan ang ganda ng disenyo ng bawat sulok ng bahay. Sa unang bahagi ng condo tour vlog na isinagawa ng magkakaibigang Chad Kinis, MC at Lassy, o kilala bilang Beks Battalion, ay nasilayan nating lahat ang living area ng condo ni Megastar.




Photo credits: Beks Battalion | Youtube

At nito lamang Nobyembre 26, ay mapapanood na rin sa YouTube Channel ng Beks Battalion ang part 2 ng condo tour ng Megastar. Sa pagkakataong ito, ay masayang ipinasilip ni Sharon ang dining area ng kanyang condo. Sa dining area na may kumpletong kagamitan at napakagandang disenyo, matatagpuan ang mga koleksyon ng kitchenware at glassware ni Sharon.

Photo credits: Beks Battalion | Youtube

Photo credits: Beks Battalion | Youtube

Maliban nga sa pagkahilig ng Megastar sa pangongolekta ng mamahaling bag, sapatos at relos, ay mahilig ring mangolekta si Sharon ng mga kagamitan sa bahay gaya nga ng kitchenware at glassware.

Photo credits: Beks Battalion | Youtube

Photo credits: Beks Battalion | Youtube

Bagama’t koleksyon na kanyang iniingatan ay hindi niya umano tinatago at ginagamit ang mamahaling plato, utensils, at cups sa tuwing may okasyon lamang, kundi ginagamit niya ito hangga’t may pagkakataon. Ayon nga kay Sharon, ay napakailki lamang ng buhay kung kaya’t kung ano ang mga bagay na nais gawin ay nararapat lamang na gawin. Tulad nga ng koleksyon niya ng kitchenware at glassware na kung maaari ay ginagamit niya araw-araw.

Photo credits: Beks Battalion | Youtube

“You never know kung gaano kahaba ang buhay mo. You enjoy your things. Don’t save them for special occasions. Kung puwede ngang gamitin mo, the best, everyday. Wala namang masama. Kasi kailan mo [pa] gagamitin, ‘di ba?.”

“Kayo ‘yung gumagamit every day. Why not enjoy them? Pinaghirapan niyo. ‘Wag niyo na lang bilhin kung idi-display niyo lang ‘di ba? Ako lahat I like to bring out the best ‘pag may guests. Even kami. Spoil yourselves.”

Samantala, nagbigay rin si Sharon ng ilang household tips. Isa na nga rito kung paano mapanatiling mabago ang loob ng tahanan at ang tamang paglilinis sa bawat bahagi ng bahay.

“Please always make your house mabango. Kung meron kayong mga bote ng mga pabango na nireregalo na hindi niyo naman ginagamit, you can use that. Kasi sayang. Mae-expire [lang],” she said.

“Tapos para hindi kayo ma-stress, kunyari today, you clean only your dining room. You clean your living room. And then you dust the little things also. ‘Wag niyong kalimutan punasan ‘yan.”




Habang nagto-tour sa condo ng Megastar, ay nadako ang usapan ng apat, kung paano nagagawang maging humble ng Megastar sa kabila ng kasikatan at marangya nitong pamumuhay. Ayon nga kay Sharon, ay mahalaga na eenjoy ang bagay na meron siya. Pahalagahan, at pasalamatan ito at huwag magpasilaw sa kasikatan.

Samantala, naging usapan rin nila ang yumaong komedyante na si Chokoleit, na naging malapit na rin sa kanilang mga puso. Si Chokoleit ay pumanaw noong March 2019 dahil sa pulmonary edema at heart attack.

Pagbabahagi nga ni Sharon, ay mahal na mahal niya ang yumaong komedyante at isa ito sa mga malapit niyang kaibigan. At nang pumanaw ang komedyante ay nasa US umano siya para sa tour na isa sana sa guest niya si Chokoleit. Kaya naman, ay hindi umano niya matanggap ng lubusan ang nangyari sa kaibigan at nagalit siya ng malaman niya ang pagkawala nito.

error: Content is protected !!