Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Ibinahagi Kung Gaano Siya Kaproud Bilang Ina Sa Kanyang Adopted Child Na Si Miguel

Hindi nga matawaran ang saya ni Megastar Sharon Cuneta dahil ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng anak na lalaki ay nabigyang katuparan sa katauhan ng kanyang adopted child na si Miguel.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Si Sharon ay may tatlong anak, ngunit ang mga ito ay pawang mga babae. Ang panganay niyang anak ay si KC Concepcion na anak niya sa kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion. Dalawang anak na babae naman ang anak niya sa kanyang asawa ngayong si Sen. Kiko Pangilinan, sina Frankie at Miel.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

At ngayon nga, na binigyan ng katuparan ni Miguel ang pangarap niyang maging isang ina sa anak na lalaki ay talaga namang labis ang kanyang saya at pasasalamat. Sa kanyang Instagram account nga nito lamang ika-16 ng Pebrero ay ibinahagi ng Megastar ang isang nakakaantig na post kung saan nga ay mababakas ang kanyang pagiging isang proud mommy bilang ina ni Miguel.

Photo Credits: Kiko Pangilinan | IG

Punong-puno rin pagmamahal ang mensahe ng Megastar para sa kanyang anak lalo na nga’t sa loob ng 12 na taon, ay talagang damang-dama niya ang pagiging isang ina kay Miguel.

“Miguel Samuel Mateo, my only son, YOU are the best gift God Almighty has given to our family—to MAMA. Thank you for being the kind of son I always dreamed I could have. We have the same love language/s and your love has gotten me through some of the toughest times I have had to go through in your twelve years of life. I love you with all of my heart and soul,”pahayag ni Sharon.

Sa huling bahagi ng post ng aktres sa Instagram, ay ipinahayag naman niya kung gaano siya kaproud at nagpapasalamat bilang ina nito.

Photo Credits: Kiko Pangilinan | IG

“I AM GRATEFUL, HONORED AND PROUD TO BE YOUR MOTHER. Thank you for being MY SON.

Matatandaan sa isang vlog noong July 2019, nang ibunyag ni Sharon sa publiko ang tungkol sa adaption ng kanyang anak na si Miguel. Ayon nga kay Sharon, isang araw pa lang mula nang isilang si Miguel ay nagpasya na ang nanay nito na ipaampon ang bata sa dahilang hindi umano ito kayang buhayin.

“When someone said that there was a baby, it was a boy, hindi na ako nag-isip nang dalawang beses. I didn’t even see a picture of him. Hindi ko alam kung may diprensya siya, kung hindi sampu ‘yung daliri niya. I didn’t even ask.”

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

“Ang akin was it was the right time kasi I was shooting Mano Po and ‘yung anak ko doon na baby, patay na patay ako sa kanya. I really said na, ‘Sana akin na lang ‘tong baby.’ I was ready for a baby boy. So when someone said that there was a little boy, sabi ko lang, ‘That’s my son,”pahayag ng aktres.

Sa pagdating nga ni Miguel ay agad na naantig ang kanilang puso, at agad na minahal ang cute na sanggol nang masilayan nila ng kanyang asawang si Sen. Kiko. Ngayon nga na malaki na si Miguel, ay mas lalong naging makulay ang kanilang pamilya dahil sa kaligayahang hatid nito.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

“I was happy to know that he didn’t have any problems. Not so much dahil sa amin, kasi kaya naming panindigan ‘yun, pero ‘yung siya mismo. Na habang lumalaki siya, everything was right, physically and all. As it turns out, now, he really brings us so much joy.”

error: Content is protected !!