Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Ibinahagi Ang Sekreto Sa Likod Ng Kanyang Weight Loss Journey, Dating Size XXL, Medium Na Ngayon: ‘I don’t exercise regularly’

Marami ang pinahanga ng beteranang aktres at kilalang Megastar ng showbiz na si Sharon Cuneta sa malaking pagbabago sa kanyang katawan kung saan nga ay talagang malaki ang nabawas sa kanyang timbang.

Makikita na mas lalong gumanda at bumatang tingnan si Sharon matapos ang limang taong pagsisikap na maisakatuparan ang kanyang pagpapayat. At ang resulta nga ng kanyang weight loss journey ay nagbigay ng inspirasyon sa tulad niyang nais ring magbalik alindog.

Nito lamang ika-9 ng Nobyembre araw ng Martes, ay ibinunyag na nga ni Sharon sa publiko at kanyang mga tagahanga ang sekreto sa likod ng kanyang pagpayat na dati ngang size XXL at ngayon ay size medium na lamang.

Sa isang virtual conference, ay sinabi ng Megastar na hindi raw regular exercise ang dahilan ng kanyang pagbawas ng timbang kundi ang “low-carb diet”. Kwento nga ni Sharon, sana nga raw ay madalas siyang mag-ehersisyo ngunit ang totoo nga raw, ay hindi talaga siya madalas na nag-eehersisyo. Pero ang kanyang hilig sa swimming ay muli niyang natagpuan, patunay rito ang tan lines sa kanyang katawan.

“I wish I could say that I work out regularly. But I’m not going to lie and make up a story. I don’t, eh.”

“I wish I could. But if I can, I’ll just go on the treadmill. It’s healthier,” she continued. “And you know what, I rediscovered my love for swimming. I was in love with swimming when I was a little girl, that’s why I’m darker now. I’m very, very pale eh, maputi. So now if you see my tan lines, there’s a big difference.”

Pagbabahagi pa ni Sharon, pagdating naman raw sa kanyang diet ay binigyang diin niya hindi raw talaga niya naalis ang pagkain ng may carbohydrates, kundi nabawasan lang. Pag-amin pa ng aktres, ay hindi rin raw siya mahilig sa mga matatamis.

Pag-amin pa ng aktres, ay madami na siyang nasubukang klase ng diet, kabilang na ang unhealthy diet. Ngunit, ang low carb diet at high in protein ang naging epektibo sa kanya.

“Kasi I’ve done so many crash diets in the past, they all just rebound. ‘Yung rebound weight, grabe. Pagbalik mas malaki sa ni-lose mo so I stopped it. And harder to remove. I’ve been through all the diets, believe me. So more protein and less carbo. Not no carbs, just less.”

Hindi naman naging madali ang weight loss journey ni Sharon, dahil bago niya makamit ang kanyang medium size figure ngayon at healthy body, ay gumugol siya ng halos anim na taon. Dahil nga, nais niyang makasama at makita pa ang kanyang mga magiging apo, ay nagkaroon siya ng commitment sa kanyang sarili.

“It’s been five years. Almost six actually because I started exactly January 2016. I remember making a commitment to myself finally,” she added. “It’s more for my health actually. I really made a commitment. Sabi ko, I want to play with my grandkids, my future grandkids, and I want to be able to play with Miguel. He’s 12 now. Miel, 17, I want to be able to enjoy K-pop with her and all. Parang I don’t want to miss out on anything so I had to commit to myself.”

Samantala, nagbigay rin ng payo si Sharon sa netizens na nakakaranas ng body shaming. Ang tulad niya na ilang ulit naring na-bashed dahil sa kanyang figure noon, ay nasanay na raw siya. Ayon nga sa aktres, ay huwag na lamang nga pansinin at bigyan ng oras ang mga basher dahil masisira lamang ng mga ito ang araw mo. Mas importante na makinig lamang sa mga positibo at mga taong higit na nakakakilala sayo.

“Alam niyo hindi mawawala ‘yun ngayon in the age of social media, when everyone’s anonymous. They just have nothing better to do. So just try not to take them to heart. I think listen to the people who you really know and know you, who can tell you face to face, in a loving way, na, ‘Take care of your health because it’s not healthy to be this big,’ or ganyan. But don’t na lang pay attention to those na just want to ruin your day. Why will you let them?”

“Sanay na tayo dapat. I’m more sanay na now, eh. I’ve made that mistake in, my God, my early days on Twitter nine years ago. Kasi nagugulat ako ‘yung dati papatulan mo halos. Sabi ko, ‘Teka nga muna, what are you doing?’ It’s a long time ago, and I learned. Don’t let them ruin your day. You’re giving them power. Ngayon I just block eh. If I even read them. Kasi usually when I post something, if I don’t have the time, hindi ako nakakabasa ng comments. Tsaka may admin ako, sila na bahala.”

error: Content is protected !!