Connect with us

Entertainment

Megastar Sharon Cuneta, Ganito Ituring ang Kanyang mga Kasambahay

Ang tinaguriang Megastar sa industriya ng showbiz na si Sharon Cuneta ay talaga namang hinahangaan ng lahat lalo na ang kanyang husay sa pag-arte. Ngunit, maliban nga dito ay hinahangaan rin ng publiko ang pagkakaroon niya ng mabuting puso.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Isa rin nga si Sharon sa mga sikat na artista sa showbiz na itinuturing na kapamilya ang mga kasambahay. Napakalaki nga ng tulong ng mga kasambahay sa ating mga tahanan. At tulad nga ni Sharon na laging abala, ay malaki ang pagpapahalaga niya sa mga kasambahay o Yaya.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Sa katunayan nga nito ay kapamilya na ang turing ng Megastar sa mga kasambahay na siyang nag-aasikaso sa loob ng kanyang bahay. Magmula sa paglilinis, paglalaba at pagluluto ay talaga namang maaasahan ni Sharon ang kanyang mga masisipag na kasambahay.

Malaki rin ang utang na loob ni Sharon sa kanyang mga kasambahay, dahil maging sa pag-aalaga ng kanyang mga anak ay talagang maaasahan rin ang mga ito. Ang kanyang tatlong anak nga na sina KC, Frankie, Miel at Miguel ay kanyang napalaki sa tulong ng kanyang mga mapagmahal at maalagang yaya.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Matatandaan na sa isang social media post, ay minsan nang ibinahagi ni Sharon na ang bawat isa rin sa kanila ay may kanya-kanyang Yaya. Ang yaya ni Kakie ay si Irish, siya naman ay may sariling personal assistant si Yaya Hanzel. Si KC naman ay dalawa ang nagsisilbing yaya, si Yaya Vilma at Yaya Belle.

Sa kabila naman ng ipinapakitang kabutihan ni Sharon sa kanyang mga kasambahay ay nakakatanggap parin siya ng mga negatibong komento mula sa netizens. Katulad na lamang nga ng isang insidente kung saan nagbahagi siya ng larawan kasama ang kanyang mga kasambahay, at makikitang nakasuot ang mga ito ng uniporme habang kasabay nilang kumakain ng kanyang anak na si KC sa isang restaurant.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Maliban nga dito, ay may pumuna ring netizen kay Sharon dahil sa pagtawag niya ng “Yaya” sa kanyang mga kasambahay. May nag-suggest pa nga na sana raw ay pangalan na maganda sa pandinig ang itawag niya sa kanyang mga kasambahay.

Agad naman itong nilinaw ni Sharon at dinepensahan ang kanyang sarili. Ayon nga kay Megastar, ay hindi naman niya inoobliga ang kanyang mga kasambahay na magsuot ng uniform sa tuwing lalabas sila sa pampublikong lugar. At kahit nga sa tuwing magtatravel sila sa ibang bansa, ay hindi rin niya inoobliga ang mga ito bagkus ay malaya ang mga itong isuot ang nais nilang damit.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Ibinahagi rin ng Megastar na itinuturing niyang kapamilya ang kanyang mga kasambahay. Nakakatanggap rin ang mga ito ng mga magagandang benepisyo katulad na lamang nga ng pagpunta sa ibang bansa tulad ng US, Bangkok, Thailand, Japan at Hongkong.

Photo Credits: Sharon Cuneta| IG

Pagdating naman sa tawag na Yaya, ay nilinaw rin ni Sharon na ang pagtawag na “Yaya” ay isang “affectionate term” para sa kanya at sa kanyang pamilya. Ibinunyag rin niya na maging ang kanilang all around helpers ay tinatawag nilang Yaya at minsan pa nga raw ay Ate o Nana. Anuman nga ang itawag ng pamilya ni Sharon sa kanyang mga kasambahay, ang mahalaga rito ay itinuturing nila ang mga ito bilang miyembro ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!