Connect with us

Entertainment

Megan Young, Hinangaan ng Ibahagi ang Kanyang Unfiltered Bikini Photo, Ipinaliwanag kung Bakit may Peklat sya sa kanyang Tiyan

Agaw pansin kamakailan ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng aktres at beauty queen na Megan Young matapos niyang ibahagi ang kanyang unfiltered bikini photo.

Sa Instagram ay ibinahagi ng Miss World 2013 ang kanyang larawan kung saan masisilayan ang kanyang magandang hubog ng katawan. Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Hungry or hangry? kidding aside, this #balakangbabe is ready for ze beach,”caption ni Megan sa kanyang post.

Photo credits: Megan Young | IG

Agad namang inulan ng positibong komento ang napakaganda at seksing larawan ni Megan mula sa kanyang mga tagahanga at ilang kaibigan sa showbiz.

“How to be a #balakangbabe,” puri naman ng aktres na si Kris Bernal.

“Love the balakang the morena you!”, komento ng kanyang tagahanga.

May ilang netizens naman ang agad napansin ang peklat sa tiyan ni Megan. At ang mga katanungan sa kanya ng mga netizens patungkol sa peklat na makikita sa kanyang tiyan ay isa-isa namang sinagot ni Megan. Ipinaliwanag rin ni Megan ang dahilan ng kung paano niya nakuha ang nasabing peklat.

“Naoperahan po kayo for appendicitis? Sorry curious lang,” tanong ng isang netizen.

Agad namang sagot ni Megan “yup!”

“What’s that?” kasunod na tanong ng isa pang netizen.

“It’s my scar from when I had an appendectomy!” paliwanag naman ni Megan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Bagama’t may bakas ng peklat ang kanyang tiyan dahil sa nangyari sa kanya, ay hindi naman maikakaila ang taglay niyang kaseksihan. Sa suot niya ngang two-piece bikini ay lutang na lutang ang kanyang kaseksihan. Hindi naman maitatanggi na taglay parin ng beauty queen ang kanyang natural na kagandahan.

Photo credits: Megan Young | IG

Si Megan ay kilalang aktres at beauty queen na talaga namang may kahanga-hangang kagandahan. Si Megan Lynne Talde Young-Daez ay isang Filipino-American actress-beauty queen na itinanghal bilang Miss World Philippines 2013 at kalaunan nga ay siya ring nagwaging Miss World 2013. Siya naman ang kauna-unahang Pinay na kinoronahan at nagkamit ng titulo ng Miss World.

Unang nakilala si Megan bilang kalahok ng talent reality show ng GMA Network na StarStruck. Ngunit, bago siya tuluyang maging talent GMA, ay nasa pangangalaga siya ng Star Magic management ng ABS-CBN. At ngayon nga, ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Megan bilang isang Kapuso.

Photo credits: Megan Young | IG

Si Megan ay nakakatandang kapatid ng aktres na si Lauren Young. Masaya naman si Megan ngayon sa kanyang buhay sa piling ng kanyang asawang aktor na si Mikael Daez. Sila ay ikinasal noong January 25, 2020. Matatandaan naman na noong 2017, ay inanunsiyo ni Mikael na sila ni Megan ay 6 na taon nang magkarelasyon. Ngunit, matagal itong isapubliko ng magkasintahahn dahil sa kanilang work commitments.

error: Content is protected !!