Connect with us

Entertainment

Mega Star Sharon Cuneta, Nagpakita ng Suporta sa Facebook Live Selling na Ginawa ni Mariel Rodriguez-Padilla

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kanyang kauna-unahang live selling si Mariel Rodriguez Padilla via Facebook, kung saan ay kanya ngang ibinenta ng live ang mga personal collections niya na bihira niyang nagamit at ang iba nga ay hindi man lang niya nagamit.

Ang Facebook live selling ni Mariel ay ginanap noong gabi ng ika-30 ng Marso taon ng kasalukuyan at ito ay inabot ng madaling araw ng ika-31 ng naturang buwan. Talaga namang marami ang sumuporta sa online selling ng former Pinoy Big Brothe, kung saan maging kapwa nga niya nga celebrity ay pinanood at inabangan din ang live selling niya na ito.

Photo credits: Mariel Rodriguez| FB

Ilan nga sa mga showbiz personality na sumuporta sa unang live selling na ginawa ni Mariel ay sina Aubrey Miles at Mega Star Sharon Cuneta. Makikita nga sa mga komento, ang naging sunod-sunod na mensahe ni Mega Star sa naging kasagsagan ng pagbebenta ng misis ni Robin Padilla ng kanyang mga preloved branded items.

Photo credits: Mariel Rodriguez| FB

Makikita nga na biglang nagkomento si Mega Star Sharon Cuneta habang nagsasagawa ng kanyang live selling si Mariel. At sa puntong ito nga ay ang ibinebenta ni Mariel ay ang kanyang preloved Louis Vuitton shoes.

Photo credits: Mariel Rodriguez| FB

“Tuwang tuwa ako sayo bebe!!! Hahahaha ang cuuuuuuute mo!!!” unang komento ni Sharon.
Dagdag ba saad pa ni Mariel “Ang galing natututo ako!!!!”
Sandali namang itinigil ni Mariel ang kanyang ginagawang live selling, ito ay upang magbigay pugay sa tinaguriang Mega Star ng showbiz na si Sharon Cuneta.
“Awww, maraming salamat po, Mega. Thank you so much, Ma’am. Thank you so much, Inay”, ang naging saad nga ni Mariel.

Photo credits to the owner

Samantala, namataan naman ni Mega Star ang pag-mine ni Robin Padilla ang mismong live selling ng mismong misis nito, kung saan ay minine nga nito ang isang bag na ibenebenta ng asawa niyang si Mariel.

Ayon nga sa naging ulat, madalas na inaabangan ni Robin ang online live selling na ginagawa ng kanyang asawang si Mariel, at kapag alam niyang gustong-gusto pa rin ng asawa niya ang ibibenta nitong mga gamit ay mina-mine nga niya ito upang hindi na ito mapunta pa sa iba at maibalik nga ito sa closet ng kanyang asawa.

Photo credits: Sharon Cuneta| IG

Ikinatuwa naman ni Sharon ang pagiging maaalalahanin ni Robin sa misis nitong si Mariel, at nag-iwan pa nga ng komento si Sharon na;

“Ahahahahahahahahahahahahahahahaha Kambal binili uli para kay misis!!!!!!”, ani ng ani Mega Star.

Photo credits to the owner

Dating leading man at dati ring naging nobyo ni Mega Star Sharon Cuneta si Robin Padilla, at ang tawag niya rito ay ‘Kambal’.
Ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez Padilla ay unang sumabak sa online live selling noong ika-15 ng Marso taong 2022. Ayon nga kay Mariel, pangarap niya na maging online seller kaya naman masaya siya na ito ay kanya na ngang natupad. Labis din ang pasasalamat niya sa lahat ng walang sawa sumusuporta sa kanyang negosyo.

error: Content is protected !!