Connect with us

Entertainment

McCoy De Leon, Nag-alay ng Isang Short Film sa Kanyang Girlfriend na si Elisse Joson Para sa Pagdiriwang ng Kanilang 1st Anniversary

Ang aktor na si McCoy de Leon at aktres na si Elisse Joson, ay unang nagkasama sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother bilang mga housemate sa Lucky Season 7 nito. Ang kanilang magandang samahan at nakakakilig na kasweetan na madalas na makunan ng camera ang bumuo sa kanilang loveteam na “McLisse”.

Ang nabuong pagtitinganan sa loob ng bahay ni Kuya, ay nauwi nga sa isang relasyon at naging opisyal na magkasintahan. Ngunit noong 2018, ay ikinalungkot ng marami matapos kumpirmahin ng dalawa na hiwalay na sila.

Photo credits: google.com

Nang mag-guest naman si McCoy sa Gandang Gabi Vice, ay dito na nga inamin ng aktor kung gaano siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan. Inamin rin ni McCoy na nagmakaawa umano siya kay Elisse na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan.

Photo credits: google.com

At tila naging epektibo naman ang panunuyo ni McCoy kay Elisse dahil noong June sa isang interview ng press para musical film na Yorme: The Musical, ay masayang ibinalita ni McCoy na nagkabalikan na sila ni Elisse matapos ang dalawang taon na ikinatuwa ng marami nilang tagahanga

Photo credits: google.com

Kwento nga ni McCoy, ay nagkita sila ni Elisse sa isang lugar na silang dalawa lang. Matapos mapagkwentuhan ang kanilang mga achievements, ay nagtuloy-tuloy na nga raw ang kanilang maayos na pag-uusap. Pag-amin naman ni McCoy ay hindi nagbago ang kanyang pagmamahal kay Elisse kahit pa noong nagkahiwalay sila.

At kamakailan lamang nga, ay mas pinatunayan ni McCoy ang kanyang pagmamahal sa kanyang kasintahan nang ilabas niya ang isang short film na alay kay Elisse para sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo magmula nang sila’y magkabalikan.

Photo credits: google.com

Nito lamang Juy 3, nang ibahagi ni McCoy sa kanyang YouTube Channel ang short film na pinamagatang YAU o You Are Unique. Makikita sa unang bahagi ng video ang samu’t saring shot na kung saan ay nilakipan naman ni McCoy ng nakakaantig na caption kung saan mababakas ang sensiridad at pagmamahal sa kanyang nobya.

“Isa ka bang makina? Isang ulap? Isang poste? Isang puno? Dalawang ilaw? Sabi nga nila, you are unique in your own way. Ang pagiging natatangi ay mahalaga ay matandaan habang buhay tayo. Dahil nag-iisa ka lang, eh, at walang katulad.”

“Kaya masasabi mo bang ikaw ay parang isang makina, nakatingala kahit magulo ang paligid? Isang ulap, nananatiling kalma pagkatapos ng bagyo? Isang poste, na hinaharap lahat? Isang puno, natututo habang tumatanda? Dalawang magkaibang ilaw, pantay ang tingin sa isa’t isa kahit magkaiba ang anyo? Pagpatuloy mo lang! Dahil natatangi ka at walang katulad.”

Sa huling bahagi naman ay mapapanood naman ang mga shots ni Elisse at sweets moments nila together. Ito naman ay sinamahan rin ni McCoy ng version ng Elvis Presley’s song na “I Can’t Help Falling In Love With You” sa background.

“Nakaisang taon na na ulit tayo. Natapos ang dalawang taon nagkabalikan ulit tayo. Wala man tayo sa different country, nakaisang taon naman na tayo ulit.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Bago naman matapos ang short film, ay mapapanood ang isang clip na kuha noong 2018 kung saan ay nangako sila sa isa’t isa na muling magkikita sa ibang bansa matapos ang dalawang taon. Ang kanilang sumpaan ay tinapos naman ng dalawa sa isang matamis na halik.

“Kaya ngayon, masasabi ko ang istorya natin ay natatangi, at ikaw ang aking ‘Natatangi’. Mahal kita, Elisse ko.”

error: Content is protected !!