Connect with us

Entertainment

Maymay Entrata, Masayang Ibinahagi Sa Kanyang Mga Tagahanga ang mga Sweet Photos Nila Ng Kanyang Foreigner Boyfriend

Tila nga hindi matawaran ng aktres at singer na si Maymay Entrata ang saya ng kanyang puso sa piling ng kanyang foreigner boyfriend. Hindi naman talaga maipagkakaila na mas blooming ngayon ang awra ni Maymay, at ang dahilan nga nito ay ang kanyang gwapo at mapagmahal na boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Matatandaan na napakaespesyal ng Valentine’s Day para kay Maymay noong nakaraang buwan ng Pebrero dahil sa araw nga na ito ay ipinakilala niya sa publiko ang taong nagbibigay saya at kulay sa buhay niya. At ito nga ay ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Aaron. Sa kanyang Instagram post, ay makikitang ibinahagi ni Maymay ang sweet photo nila ng kanyang boyfriend at nilakipan ng caption kung saan ay binati niya rin ito.

“Happy Birthday My Valentino”,caption ni Maymay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Marami namang netizens at mga kaibigan ni Maymay ang natuwa dahil sa ngayon nga ay natagpuan na niya ang kaligayahang hinahanap ng kanyang puso.

Hindi naman dito natatapos ang paghahatid ng kilig sa publiko nina Maymay at ng kanyang boyfriend. Dahil noong ika-5 ng Marso, ay makikitang si Aaron naman ang nagpost sa Twitter ng sweet photo nila ni Maymay. Makikita sa litratong ibinahagi ni Aaron na sweet na sweet sila ni Maymay kung saan nga ay magkaholding hands habang nanonood ng pelikulang Batman sa isang sinehan.

Ilang linggo lamang ang nakalipas, ay nasundan naman ng isa pang sweet photo ang post na ito. Sa pagkakataong ito, ay ibinahagi naman ni Maymay ang isang video clip sa kanyang Instagram story kung saan makikitang nagmamaneho ng sasakyan si Aaron habang si Maymay naman ay nakasakay sa passenger seat.

Kung pagbabasehan naman ang navigation map sa kotse, ay makikitang binabaybay nila noon ang kahabaan ng Dougall Avenue sa Ontario, Canada. Nilakipan naman ni Maymay ang nasabing IG story ng caption na “Miss you”. Sa caption nga ng kanyang post, ay mababakas ang nadaramang pangungulila ni Maymay sa kanyang nobyo na malayo sa kanya noong oras na iyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12)

Patuloy naman ang pagbibigay ng update ni Maymay sa kanyang mga fans ng kanyang masaya at makulay na buhay pag-ibig. At ang huli nga ay nito lamang ika-2 ng Abril kung saan ay makikitang ibinahagi ni Maymay sa IG story ang isang video clip na kuha sa masaya nilang road trip. Hindi naman maitago sa mukha ni Maymay ang saya dahil nga muli silang nagkasama ni Aaron.

Sa ngayon ay nag-eenjoy si Maymay sa kanyang paninirahan sa Canada. Maliban sa bonding moments nila ni Aaron, ay abala rin si Maymay sa kanyang acting classes.

error: Content is protected !!