Connect with us

Entertainment

Maymay Entrata, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Non-showbiz Boyfriend Sa Mismong Pagdiriwang ng Valentine’s Day

Damang-dama nga ang pagmamahalan ng bawat isa sa pagdiriwang ng araw ng mga puso nito lamang ika-14 ng Pebrero. Napakaespesyal naman talaga ng araw na ito lalo na nga’t marami ang nakatanggap ng flowers at chocolates mula sa mga taong nagmamahal sa kanila.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Ngunit, kung ang ilang celebrities ay pinakilig ang kanilang asawa at kasintahan matapos regaluhan ng bouquet of flowers and chocolates sa pagdiriwang ng Valentines day, ang aktres na si Maymay Entrata naman ay may pasabog para sa kanyang mga tagahanga.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Nito lamang ika-14 ng Pebrero sa mismong araw ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, ay ginulat ni Maymay ang kanyang mga tagahanga at mga kaibigan sa showbiz matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi ng “Amakabogera” singer ang sweet photo nila ng kanyang boyfriend, habang siya’y nakayakap dito. At makikita nga sa hitsura at tindig ng kanyang boyfriend na isa itong foreigner. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ni Maymay ng caption kung saan binati niya ang kanyang nobyo sa kaarawan nito, at tinawag pang “My Valentino”.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

“Happy Birthday my Valentino”,caption ni Maymay.

Agad ngang napukaw ang atensyon ng netizens at mga kaibigan ni Maymay sa showbiz ng nasabing larawan. Kaya naman, agad itong dinagsa ng samu’t saring reaksyon at komento.

“Ganyarn!!!! Happy Valentines,” komento ni Angelica Panganiban.

“OMG!!! Hala! Ngiga sa pagkagwapa sa akong miga oi! Grabe man na. Maka happy mana miga! Happy Vday miga!,” saad ni Kim Chiu.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Ilan pa sa mga kaibigan ni Maymay na nagbigay ng kanilang reaksyon sa nasabing larawan ay sina Maja Salvador, Janella Salvador, Dimples Romana, Bianca Gonzalez, Elisse Joson, McCoy de Leon, Chie Filomeno, Jayda Avanzado, at Mimiyuuuh

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Matatandaan na noong nakaraang taon buwan ng Abril nang aminin ni Maymay sa isang panayam na may nagpapasaya na sa kanyang puso.

“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga-suporta,”pahayag ni Maymay.

CREDITS: Maymay Entrata| IG

Noong Hulyo 2021 naman ay nilinaw rin ni Maymay ang isyu tungkol sa pagkakalink niya sa kanyang onscreen partner na si Edward Barber at maging sa aktor na si Donny Pangilinan. Ayon nga kay Maymay, ay walang anumang namamagitan sa kanila ni Edward o Donny. Binigyang diin pa ng aktres na hindi siya in a relationship sa sinumang lalaki na nasa showbiz.

“Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man… Wala po kahit sino sa showbiz, wala,”ayon pa sa aktres.

error: Content is protected !!