Connect with us

Entertainment

Maymay Entrata, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Niya Inako Ang Responsibilidad Na Pag-aralin Ang 3 Niyang Pinsan

Si Maymay Entrata na unang nakilala sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother, ay isa na nga sa pinakamatagumpay na artista ngayon sa industriya ng showbiz. Maliban nga sa pagiging mahusay na aktres, ay hinahangaan rin ang taglay na kagandahan ni Maymay.

CREDITS: Maymay Entrata: IG

Sa katunayan nga nito, ay siya ang kauna-unahang Pinay na napabilang sa Arab Fashion Week. Hindi rin naman talaga maipagkakaila ang taglay na talento ni Maymay, dahilan nga kung bakit bahagi rin siya ng blockbuster hit na “Fantastica”

CREDITS: Maymay Entrata: IG

Ang 24 taong gulang na aktres na si Maymay ay tubong Cagayan de Oro. At sa kabila nga ng tinatamasa niyang tagumpay, ay hindi niya nakakalimutang ibahagi sa kanyang mga mahal sa buhay ang mga biyayang kanyang natatanggap. Si Maymay ay may napakabuting puso at talagang mahal na mahal ang kanyang pamilya.

Photo Credits to the owner

Si Maymay ay lumaki sa kanyang lolo at lola matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang at iwan siya ng kanyang ama noong siya’y isang taong gulang pa lamang.

CREDITS: Maymay Entrata: IG

At noon rin ay umalis ng bansa ang kanyang ina para magtrabaho sa Japan. Kaya naman, alam ni Maymay ang hirap ng lumaki ng wala sa tabi ang mga magulang. Dahil nga naranasan na niya ang malagay sa ganitong sitwasyon, ay tinutulungan niya ang kanyang mga pinsan.

Photo Credits to the owner

May mga pinsan na mula sa broken family si Maymay, kaya naman mas lalo siyang nagpupursige na maibahagi sa mga ito ang mga biyayang kanyang natatanggap. Hindi nga nagdalawang isip si Maymay na akuin ang responsibilidad sa pagpapaaral sa tatlo niyang pinsan.

Photo Credits to the owner

Matatandaan na minsan nang ibinunyag ni Maymay sa programang Magandang Buhay na pinapag-aral niya ang tatlo niyang pinsan.

“May pinag-aaral po ako ngayon, tatlong pinsan ko po. Nag-promise lasi ako sa kanila, kasi nga galing sa broken family din sila. Kasi ako na rin ang parang itinuturing nilang ina. Kaya sabi ko paaaralin ko kayo. Tsaka honor students sila”.

CREDITS: Maymay Entrata: IG

Ngunit, sa kabila ng ginagawa ni Maymay para sa kanyang mga pinsan, ay ibinahagi rin niya na siya mismo ay nais niyang matupad para sa kanyang sarili ang muling makapag-aral at makapagtapos. Sa nasabing panayam rin, ay masayang ibinahagi ni Maymay na ang ipinapagawang bahay para sa kanyang pamilya ay malapit nang matapos.

CREDITS: Maymay Entrata: IG

Nagbigay naman ng payo si Maymay sa mga tulad niyang patuloy na nagsusumikap sa buhay para matupad ang mga inaasam na pangarap. Ayon nga kay Maymay, sa pag-abot ng pangarap ay dapat may nakahanda ring back up goal.

“Siguro ang ma-advise ko rin sa lahat ng kagaya ko na nangangarap, dapat hindi lang isa ang goal nila, dapat tatlo o dalawa. Para atleast kung hindi man para sayo ang isa, may dalawa pa.”

error: Content is protected !!