Connect with us

Entertainment

“May relasyon kami, oo”: Ellen Adarna at Derek Ramsay, Inamin na sa Publiko ang Tunay na Estado ng Kanilang Relasyon

Maraming netizens ang naiintriga sa tunay na estado ng relasyong namamagitan sa aktres na si Ellen Adarna at aktor na si Derek Ramsay. Samu’t saring espekulasyon ang kumalat sa social media nitong nakaraang linggo patungol sa relasyon nina Ellen at Derek.




Ngunit, nito lamang ika-26 ng Pebrero araw ng Biyernes, ay tinuldukan na ng dalawa ang isyu, matapos tahasang aminin sa publiko ang kanilang relasyon. Sa exclusive interview ng Pep.ph, ay inamin ng dalawa na isang buwan na silang nagde-date.

“May relasyon kami, oo,”pag-amin ni Derek sa Pep.ph.

Samantala, bago pa man ang pag-amin ng dalawa, umaga pa lang, ay nagpost na sina Derek at Ellen sa kani-kanilang Instagram ng kanilang sweet photos kung saan ay may magkaparehong caption.

Sa post nga nina Derek at Ellen, ay tila nagpapahiwatig ang dalawa ng nag-aalab nilang relasyon. Sa Instagram ni Ellen, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita na pareho silang nakasuot ng kulay puting tshirt. At base sa lokasyon ng larawan, makikita na nakaupo sila sa pool area sa lounge ng sofa. Makikita nga ang kasweetan nila sa isa’t isa.

Simple man ang naging caption ng post ni Ellen kung saan nilakipan niya ng dragon at fire emojis, ay tila puno naman ito ng kahulugan. Tila nais ipahiwatig ng aktres na nag-aalab ang kanilang kombinasyon ng aktor.




Samantala, agaw-pansin naman ang komento ni Derek sa comment section ng post ng aktres, kung saan sinabi nito na may “crush” siya kay Ellen. Sinakyan naman ni Ellen ang komento ni Derek, at sinagot ng pabiro na:

“@ramsayderek07 crush mo palang ako dito.. wow hhahhahaha.”

Ang aktor naman na si Derek, ay nagbahagi rin ng larawan nilang dalawa ni Ellen kung saan makikita na kuha sa hangout area ng 2nd floor ng bahay ni Derek. Ang nasabing larawan naman ay nilakipan ni Derek ng caption ng puro dragon emojis. Tila nga, sang-ayon rin ang aktor sa naging caption ng aktres, na nangangahulugan ng maalab at intense nilang kombinasyon.

Bagama’t, ilang beses na itinanggi nina Derek at Ellen ang namumuong pagtitinginan nila, ay tila hindi na nga nila ito maitago. Magmula nga nang magkasama sa dinner party sa bahay ni Derek, ay madalas nang makitang magkasama ang dalawa sa kanilang bakasyon.

Anuman nga ang sabihin ng mga netizens patungkol sa kanila, ay nananatiling matatag at malapit sa isa’t isa sina Ellen at Derek na tila ba handang harapin ang anumang pagsubok na kaakibat ng kanilang relasyon.

error: Content is protected !!