Connect with us

Entertainment

Max Collins at Pancho Magno, Magkahiwalay na Ipinagdiwang ang Kaarawan ng Kanilang Anak, Hiwalay na nga ba?

Marami ang nagtatanong ngayon tungkol sa estado ng relasyon ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno. Ito nga ay matapos nilang ipagdiwang ng magkahiwalay ang 1st birthday ng kanilang anak na si Skye.

Tanong nga ng marami, hiwalay na ba sina Max Collins at Pancho Magno?

Kamakailan lamang, sa kanilang mga social media ay ibinahagi nina Max at Pancho ang mga larawan na kuha sa magkahiwalay na birthday party ng kanilang panganay na anak. Makikita sa Instagram ni Max, na ibinahagi niya ang isang racing themed birthday party na ginanap sa hotel.

“Happy 1st birthday my little racer,”caption ni Max sa kanyang post kalakip ang larawan ng kanyang anak.

Samantalang sa Instagram naman ng aktor na si Pancho, ay isang Star Wars themed birthday party na kuha naman sa ibang lugar.

”Happy First Birthday to our Jedi Master! We love you!,”caption naman ni Pancho.

Kapansin-pansin naman na sa bawat larawan at magkahiwalay na pagdiriwang, ay hindi nakitang magkasama sina Max at Pancho dahilan nga upang maghinala ang mga netizens sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nakapansin na noong kalagitnaan ng taong 2020, nang magsimula ang hindi pagbabahagi ng mga sweet photos ng mag-asawa sa kanilang social media. Ngunit, noong pagdiriwang naman ng Mother’s day, ay binati ni Pancho ang kanyang asawang si Max pati narin ang kanyang ina sa espesyal na okasyon ng mga ilaw ng tahanan. At magmula nga noon, ay hindi na muling nasilayan ang dalawa na magkasama sa mga larawan, hindi tulad ng dating nakasanayan ng marami nilang mga tagahanga.

Ikinasal sina Max at Pancho noong December 11, 2017 sa pamamagitan ng isang Christian ceremony na ginanao sa Manila Marriot Hotel matapos ma-engaged sa isa’t isa noong May 2017. Matapos naman ang tatlong taong pagsasama, ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na baby boy na si Skye Anakin na isinilang ni Max noong July 6, 2020. Ang pangalan ni Skye ay hango naman sa mga characters sa Star Wars.

Photo credits: google.com

Samantala, sa isang panayam naman ng GMA sa aktres na si Max Collins, ay nilinaw niya ang isyu tungkol sa pagkakaroon nila ng hiwalay na pagdiriwang para sa kaarawan ng kanilang anak.

Ayon nga kay Max, ay may inihandang surprise birthday party ang kanyang mga kaibigan para kay Skye ngunit hindi nakarating si Pancho. Samantalang sa inihanda namang birthday party ni Pancho ay hindi siya nakapunta dahil sa kanyang trabaho. Ngunit, sa kabila naman ng magkahiwalay na birthday celebration ni Skye, ang mahalaga raw ay naging masaya ang kanilang anak sa espesyal nitong araw. Nakakalungkot man na hindi sila nagkasamang pamilya, ay maaari namang bumawi sa susunod.

“Now, all we’re focusing on is the fact that he enjoyed the two parties. It’s sad that we couldn’t be together on that day, but we’re just gonna make up for it next time.”

Pagdating naman sa hindi nila pagbabahagi ng mga larawan na magkasama sa social media, ay sinabi ni Max na nais lang nilang maging pribado ang kanilang personal na buhay, at ihiwalay rito ang kanyang showbiz career.

error: Content is protected !!