Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang 31st Birthday sa Palawan Kasama ang Kanyang Asawang si Sarah Geronimo at ang Kanyang Pamilya

Isa na namang masaganang taon at puno ng kaligayahan ang ipinagkaloob ng Diyos sa buhay ng asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli. Sa pangalawang pagkakataon nga, ay ipinagdiwang ni Matteo ang kanyang kaarawan bilang asawa ng Popstar Royalty.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

Nito lamang ika-26 ng Marso ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang ika-31 taong kaarawan. Espesyal ang pagdiriwang ng kaarawan ni Matteo ngayong taon dahil nagkaroon sila ng kanyang pamilya ng masayang bakasyon sa Palawan. Ito nga ay advance celebration ni Matteo para sa kanyang kaarawan, na isinabay rin sa 1st wedding anniversary nila ng kanyang asawang si Sarah.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

At bilang panganay na anak nga, ay isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ng ina ni Matteo na si Mommy Glenna Guidicelli para sa kaarawan niya. Sa Instagram ay ibinahagi ni Mommy Glenna, ang ilang mga larawan na kuha sa kanilang masayang bakasyon sa Palawan. Ipinaabot rin sa naturang post ng kanyang Mommy Glenna, ang hangad niyang magandanng buhay at kabutihan sa kanyang anak at kay Sarah bilang mag-asawa.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

“Happy birthday Son! Thank you for bringing joy in our lives… God bless you and Sarah ️#familyiseverything #celebratelife #enjoyingsimplethingsinlife”

Makikita nga sa mga larawan ang masayang bonding ng kanilang pamilya sa Flower Island Resort sa Palawan. Maliban naman sa masayang salo-salo ng kanilang pamilya sa hapag-kainan, ay enjoy na enjoy rin sila sa iba’t ibang aktibidad tulad ng swimming.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

Nag-uumapaw naman sa kasweetan ang masisilayan sa kuha ng larawan ng mag-asawang Matteo at Sarah kung saan ay enjoy rin sa kanilang bonding moments habang nasa beach. Makikita rin na masayang nag-jet skiing ang mag-asawa kung saan kasama pa nila ang kanilang alagang aso.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

At dahil nga, kaarawan ni Matteo ay hindi nawala ang birthday cake na pinagsaluhan ng kanilang pamilya sa kanilang masayang salu-salo sa beach. Masisilayan nga sa mister ni Sarah ang kaligayahan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

Sa piling ng kanyang asawa na si Sarah at kanyang pamilya, ang ipagdiwang ang panibagong biyaya sa kanyang buhay, ay hatid ang walang kapantay na kaligayahan.

Photo credits: giorgiaguidicellidato / IG

Matatandaan na ikinasal sina Matteo at Sarah noong nakaraang taon buwan ng Pebrero sa isang private Christian wedding ceremony, kung saan dinaluhan lamang ng piling mahal nila sa buhay. At nitong nakaraang Pebrero nga, ay ipinagdiwang nila ang kanilang 1st wedding anniversary.

error: Content is protected !!