Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, Masayang Ibinahagi na Matitikman Na ng Publiko ang Masarap na Gawang Cake ng Kanyang Asawang si Sarah Geronimo

Magmula nang ikasal noong ika-20 ng Pebrero, ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ay mas lalo nilang napagtibay ang kanilang pagmamahalan. Sa bawat araw nga na sila’y magkasama, ay talagang ipinapakita nila ang pagsuporta sa bawat isa.

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami ang suportang ipinapakita ni Matteo sa kanyang maybahay na si Sarah. Maliban nga sa singing career ni Sarah, ay labis rin ang pagsuporta ng aktor sa cooking at baking skills ng kanyang asawa. At sa mga nagdaang buwan, ang naging paboritong bonding ng mag-asawa ay ang pagluluto at pagbe-bake.




“I do the Italian dishes and she does the Filipino food and baking, so it’s been perfect for us,”pahayag ni Matteo.

Kamakailan nga, ay masayang inanunsyo ni Matteo, na ang masasarap na gawang cake ni Sarah ay malapit nang matikman ng publiko. Ito nga ay dahil plano ng mag-asawa na ibenta ang mga gawang cake ni Sarah, kaya naman,  dapat umanong mag-advance order ang mga nais bumili. Katulad na lamang nga ng strawberry cake, na ayon kay Matteo, ay sadyang napakasarap.

“She does really, really good cakes. Her strawberry cake is super good.”

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Maliban naman sa strawberry cake, ipinagmamalaki rin ni Matteo ang gawa ni Sarah na Japanese souffle cheesecake, lemon blueberry buttermilk cake, at passion fruit coconut cheesecake bilang pinakamasarap na baked desserts.

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram




Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Matatandaan na taong 2016 nang maglaan oras si Sarah sa cooking class sa ilalim ng pagtuturo ng mahusay at beteranong chef na si Gene Gonzalez sa Center for Asian Culinary Studies. Dahil dito, ay maraming bagay na natutunan si Sarah. Nakatulong at nagagamit niya nga ito ngayon, upang mapagsilbihang mabuti ang kanyang asawa.’

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Matatandaan na sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng mag-asawa, ay matagumpay nilang naisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib noong Pebrero sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na dinaluhan lamang ng ilan sa kanilang mga kaibigan.

“02 20 2020, A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli.”

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support”

 

error: Content is protected !!