Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, Ipinasilip na sa Publiko ang Kanilang Naging Post-Wedding Celebration ng Asawang si Sarah Geronimo Guidicelli

Saksi ang publiko sa kontrobersyal na kasalan ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong nakaraang taong 2020, buwan ng Pebrero. Bagama’t, nais ng celebrity couple na maging pribado at hindi malantad sa publiko ang kanilang pag-iisang dibdib, ay hindi parin ito nangyari matapos ang gulong hatid ng pagtutol ng ina ni Sarah sa kanilang kasal.

Matatandaan na noong Pebrero 20, 2020, naganap ang secret wedding nina Sarah at Matteo na ginanap sa Victory Church, sa The Fort sa Taguig City. Ang kanilang secret wedding ay dinaluhan lamang ng ilan nilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Bagamat, naging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib, ay madalas namang magbahagi sa social media ang mag-asawa ng kanilang masayang pagsasama sa iisang bubong. Makikita nga na mas lalo pa nilang nakilala ang isa’t isa at mas napatunayan kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Isang taon na nga ang nakalipas, at kamakailan nga ay ipinagdiwang ng mag-asawang Sarah at Matteo ang kanilang unang taon bilang husband and wife kung saan ay nagkaroon sila ng masayang bakasyon sa Coron, Palawan kasama ang kanilang pamilya.

Samantala, ilang linggo matapos ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo, ay ipinasilip na ni Matteo sa publiko ang post-wedding celebration nila ni Sarah. Sa Instagram ng aktor, ay ibinahagi niya ang larawang kuha kung paano nila ipinagdiwang ng kanyang maybahay ang kanilang pag-iisang dibdib na naganap noong nakaraang taon.

Sa Instagram ni Matteo, ay masisilayan ang mga larawang kuha sa kanilang pagdiriwang ng kanilang kasal noong nakaraang taon, at ngayon lang nga ipinasilip ni Matteo sa publiko.

Hindi naman maitago ni Matteo sa kanyang caption ang kanyang labis na pag-ibig sa kanyang maybahay na si Sarah. Sa nasabing post rin ay ipinaabot ni Matteo kay Sarah, ang kanyang pagbati at kung gaano siya kaproud sa naging performance nito sa “Tala Concert” noong nakaraang gabi.

“My wife and I would like to share with you something very special we did right after our wedding. I’m always super proud of you love. Congratulations for last nights show! INCREDIBLE! I love you so much. Thank you for being a “tala” to everyone’s lives.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Nagpasalamat rin si Matteo sa mga taong tumulong at naging instrumento sa kanilang matagumpay na photoshoot noong nakaraang taon.

“We would like to say thank you to the talented group of people that made this photoshoot happen back in 2020!”

Talaga nga namang isang talang nagnining ang Popstar Royalty na si Sarah sa kanyang kahanga-hangang performace sa kanyang concert, kung saan ay pinabilib at pinahanga ang buong mundo.

error: Content is protected !!