Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, Ipinasilip Ang Masayang Adventure Sa Rizal Kasama Ang Kanyang Misis Na Si Sarah Geronimo

Tila nga walang oras at sandaling sinasayang ang aktor na si Matteo Guidicelli para makasama sa pagbuo ng masayang alaala ang kanyang misis na si Sarah Geronimo. Sa bawat adventure nga ay talagang magkasama ang dalawa, na hindi naman maipagkakaila na mahal na mahal ang isa’t isa.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Mahilig naman talagang magbakasyon sa magagandang lugar ang mag-asawa sa loob o labas man ng bansa. Ngunit, nitong mga nakaraang buwan ay nagiging malapit sa inang kalikasan ang mag-asawang Sarah at Matteo. Ito nga ay dahil sa napapadalas nilang pagbabakasyon sa magagandang lugar sa probinsiya kung saan masisilayan ang kahanga-hangang tanawin.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Youtube channel ang isang vlog, kung saan mapapanood ang masayang bakasyon nila sa Rizal. Talagang enjoy na enjoy ang mag-asawa sa kanilang masayang adventure.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Makikita naman na kasama rin nila ang kanilang mga alagang aso na napakacute pagmasdan. Tila nga ang mga alagang aso, ang nagsisilbing mga anak ng mag-asawa ngayong hindi pa sila binibiyayaan ng supling. At makikita naman na alagang-alaga ng mag-asawa ang kanilang mga cute na alagang aso.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Ipinasilip nga ni Matteo ang kanilang bakasyon kung saan ay tumuloy sila Casa Balario. Wala namang pinalampas si Matteo para maibahagi sa kanyang mga fans ang kanilang mga ginagawa. Magmula sa kanilang biyahe, pagwowork out, at maging sa kanilang pamamasyal ay ipinasilip ni Matteo sa kanyang vlog.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Hindi naman maipagkakaila na tila enjoy na enjoy ni Sarah ang simpleng buhay sa probinsya, dahil nga makikita na napakasimple rin ng kanyang dating kung saan ay nakasuot ng maluwang na tshirt, at short at naka-tsinelas rin ang sikat na singer.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Unang sinubukan ng mag-asawa ang sumakay sa kabayo. Si Matteo ang siyang nagpapatakbo ng kabayo habang sakay niya ang nakayakap sa kanyang si Sarah. Makikita nga sa mukha ng dalawa ang saya, habang sakay ng kabayo. Sinubukan rin nila ang mamangka sa ilog kasama ang kulay puti nilang aso na si Four.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Saan man nga magpuntang lugar ang mag-asawa, ay tinitiyak nilang isang masayang alaala ang kanilang mabubuo. Magmula nang ikasal noong Pebrero 20, 2020 ay pinatunayan ng mag-asawang Sarah at Matteo ang kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t isa. Kahit nga tutol sa kanilang pagmamahalan ang ina ni Sarah na si Mommy Divine, ay wala itong nagawa para pigilan ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

CREDITS: Matteo Guidicelli | YT

Ngayon nga, ay makikita kung gaano kasaya sa piling ng isa’t isa ang mag-asawang Sarah at Matteo kung saan nga sa bawat araw na sila’y magkasama ay mas lalo pa nilang minamahal ang isa’t isa.

error: Content is protected !!